^

PSN Showbiz

Battered wife nga raw: Claudine puro peklat ang hita

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Shocking para sa fans ni Claudine Barretto ang picture ng kanyang magkabilang hita na tadtad ng mga sugat at peklat.

Naloka ang fans sa bomba na pinasabog ni Claudine noong Huwebes.

Hindi raw nila akalain na may mga peklat na inililihim ang kanilang favorite actress.

Ayaw sabihin ni Claudine kung sino ang may kagagawan ng mga sugat niya pero sino pa ba ang mapagbibintangan kundi ang kanyang mister na si Raymart Santiago.

Malinaw ang sinabi ni Claudine sa mga TV interview na isang battered wife siya at hindi battered woman kaya nakakaladkad na naman ang pangalan ng kanyang estranged dyowa.

Siyempre, super-react ang detractors ni Claudine sa dialogue ng isang doktora na matagal na ang mga peklat sa hita ng aktres.

Kung matagal na raw ang mga sugat at peklat, bakit hindi ito napansin nang makipag-umbagan noon sina Raymart at Claudine kay Mon Tulfo sa NAIA Terminal 3. Shorts ang suot ni Claudine na tumulong sa pagsapak kay Papa Mon pero walang mga sugat at peklat ang kanyang mga hita.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata dahil tiyak na hindi pa tapos ang mga paglalahad ni Claudine ng hinaing laban kay Raymart.

Dennis naiyak na naman sa ginawang pagtanggal sa kanyang apelyido ni Julia

Napaluha na naman si Dennis Padilla nang mainterbyu siya ng Startalk tungkol sa court petition ng kanyang anak na si Julia Barretto para mapalitan ang apelyido nito na Baldivia, ang tunay na last name ng komedyante.

Hindi nawawalan ng pag-asa si Dennis na magbabago ang desisyon ng kanyang anak.

Naikuwento tuloy ni Dennis na may dalawang anak sila ng kanyang first wife pero Baldivia pa rin ang ginagamit na apelyido ng half-siblings ni Julia.

Hindi ko na sasabihin ang name ng first wife ni Dennis dahil pribadong tao siya.

Marian at Bela bati na

Magkabati na sina Marian Rivera at Bela Padilla at pruweba ang guesting ng huli sa Marian, ang dance show ng Primetime Queen ng GMA 7.

Mapapanood sa July 26 ang guesting ni Bela sa Marian. Pinag-usapan noon ang away nina Bela at Marian pero past is past kaya magkasundo na sila, isang pagpapatunay na wala talagang permanent friends o enemies sa mundo.

Bobsie ni Miss Nigeria, nag-hello

Hindi ko napanood kahapon ang grand finals ng Supersireyna Worldwide ng Eat Bulaga.

Nabalitaan ko na lang na nag-win si Miss Nigeria Sahhara na may eksena na nakakaloka sa long gown competition.

Ang sabi ng mga nakapanood, nag-hello ang right boob ng baklitang delegate ng Nigeria sa Supersireyna Worldwide.

Hindi raw namalayan ng konteserang baklita na dahan-dahan na nalalaglag ang kanyang pang-itaas dahil may kaluwagan ang red gown na suot niya.

Mabuti na lang, naka-long shot ang mga TV camera kaya hindi masyadong napansin ang pag-hello ng boobelya ni Miss Nigeria.

At kahit nakunan ng mga TV camera ang nipple slip ni Miss Nigeria, walang naramdaman na malisya ang manonood dahil sa utak nila, mhin pa rin ang gay contestant na look-alike raw  ng fashion designer na si Donatella Versace.

Ang sabi ng mga nakapanood, cry me a river with matching panginginig ng katawan ang drama ni Miss Nigeria sa announcement ng kanyang name bilang grand winner ng Supersireyna Worldwide title and crown.

Luz Valdez at walang nakuha na puwesto ang Miss India na si Laeticia Patel na nagmaldita at nagsalita na

“Poor Trixie. The pressure is on her!”

The who si Trixie? Siya ang official candidate ng Pilipinas sa Supersireyna Worldwide na mabentang-mabenta kahapon sa televiewers.

vuukle comment

BALDIVIA

BELA PADILLA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

KANYANG

MISS NIGERIA

SUPERSIREYNA WORLDWIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with