^

PSN Showbiz

Anne tumatag kay Dyesebel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado si Anne Curtis na mas lumalim pa ang pagpapahalaga niya sa kanyang trabaho dahil sa mga hindi niya malilimutang karanasan habang ginagawa ang top-rating primetime fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel na magtatapos na bukas, Biyernes (Hulyo 18).

“Ang dami kong natutunan dahil sa Dyesebel. Dito ko na-realize ko kung gaano ako katatag at kung gaano ko pinahahalagahan itong craft na pinili ko. Kahit na umuulan o bumabagyo, tuloy pa rin kami sa pagtatrabaho dahil ganoon namin kamahal itong ginagawa namin,” pahayag ni Anne kaugnay ng seryeng pinagbidahan niya kasama sina Sam Milby, Andi Eigenmann, at Gerald Anderson.

Ayon pa kay Anne, sulit ang lahat ng pagod at puyat ng cast dahil sa gabi-gabing pagsubaybay ng TV viewers.

“Kakaiba po talaga ang saya kapag naririnig ko na tinatawag ako ng mga tao na Dyesebel. Kasi ibig sabihin, nagmarka na ‘yung character ko sa puso at isip nila,” ani Anne.

Simula nang umere ang Dyesebel noong Marso, gabi-gabi na itong nagreyna sa national TV ratings dahil sa mga tagpo sa buhay ni Dyesebel kasama sina Fredo (Gerald), Liro (Sam), at Betty (Andi), at sa mga mahahalagang aral na ibinahagi nito tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa huling gabi ng TV adaptation ng obra ni Mars Ravelo, paano mapaninindigan ni Dyesebel ang pagiging reyna ng karagatan ngayong mag-asawa na sila ni Fredo? Ang kanilang pag-ibig na nga ba ang magiging susi para magkasundo ang mundo ng mga sirena at tao?

Bahagi rin ng powerhouse cast ng Dyesebel sina Dawn Zulueta, Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, Gina Pareño, at AiAi delas Alas. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion, at produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Mga bagong Yagit nahanap na!

Pagkatapos ng matagumpay na nationwide auditions, ipinapakilala ng GMA Network ang mga pinakabagong child wonders ng henerasyon ngayon na magbibigay-buhay sa apat na lead characters sa remake ng hit drama series na Yagit.

Nagpahayag ng kasiyahan ang acclaimed director na si Gina Alajar sa pagkakapili ng mga apat na batang ito na bibida sa Yagit. “Masaya ako at contented dahil noong nag-uumpisa pa lang ang auditions, sinabi ko na yung criteria ko, ‘yung hinahanap ko. And I think nakita na namin ngayon. Walang itulak-kabigin sa kanila, lahat sila gusto mong yakapin,” saad niya.

Ang gaganap sa papel na Elisa ay si Chlaui Malayao, ang six-year-old na batang babae na mabilis makakuha ng atensyon at pagmamahal ng mga tao dahil sa kanyang mala-anghel na mukha. Dahil sa kanyang fragile personality, bagay na bagay lalo sa kanya ang karakter ni Elisa na ayaw mawalay sa kanyang inang si Dolores Macabuhay na gagampanan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.

Ayon kay Alajar, “She has that innocence na tanggap niya kung sino at ano ang nanay niya sa story. Si Yasmien kasi is a very pretty girl, magandang panoorin na maganda ‘yung nanay at maganda rin ‘yung anak.”

Gaganap naman bilang magkapatid at mga pinsan ni Elisa na sina Josie at Tomtom Macabuhay ang mga 12-year-old na batang sina Judie Dela Cruz at Jemwell Ventinilla. Swak kay Judie ang papel na ate ng grupo na puno ng mga pangarap dahil sa kanyang mature personality.

 “Naghanap kasi kami ng batang maganda ang mga mata para makita mo sa kanya ‘yung mga pangarap na gusto niya. So nung nakita namin siya, her eyes are very expressive pero alam mong merong sadness. Kaya bagay na bagay sa kanya ang maging Josie,” saad ni Alajar.

Samantala, magbibigay-buhay sa karakter ng malusog na batang si Tommy ang bibong si Jemwell. Napansin agad ang kanyang kakaibang galing sa pag-arte sa auditons hindi lamang dahil sa kanyang nakakatuwang personalidad, pero dahil din sa kanyang comedic timing. Alam niya ang tamang oras ng pagbitiw ng mga nakakatawang linya, kaya bagay na bagay sa kanya ang papel na ito.

Maganda rin ang mga nasabi ni Alajar tungkol kay JM Andres, ang eight-year-old na batang gaganap sa papel na Ding Reyes. “Noong pinapanood namin siya sa VTR nung auditions, we were able to create a sense of sympathy with his character. Kasi ‘yung role niya silang dalawa lang ng nanay niya ‘yung nakatira sa bahay. Nung nakita namin kung paano niya pagsilbihan ‘yung nanay niya, nakaramdam kami ng awa sa kanya,” saad niya.

 Abangan ang mga up and coming child actors ng henerasyon ngayon sa highly-anticipated remake ng 1980s phenomenal drama series na Yagit ngayong Setyembre sa GMA Afternoon Prime.

Piolo 20 anyos ang gustong mapangasawa, apat pang anak ang plano

Sa kabila ng tagumpay ng ultimate heartthrob na si Piolo Pascual sa kanyang karera, may hinahanap pa kaya siyang kulang sa kanyang buhay? Nagpaplano pa ba siyang lumagay sa tahimik? Ano ang hina­hanap niya sa isang babae matapos ang tatlong taon n­iyang pagiging single?

“Sa totoo lang, oras. Kasi meron naman eh. Pwede naman. Kung gusto naman, meron, kasi marami naman diyan eh. Kaso nga, anong oras ang ibibigay ko? Habang natutulog ako? Walang oras eh,” tugon niya sa Tapatan ni Tun­ying na mapapanood ngayong Huwebes (Hulyo 17).

Bagamat aminado si Piolo na hindi niya kayang paglaanan ng oras ang kanyang buhay pag-ibig, ibinahagi naman ng aktor na gusto niya pa ring ikasal at magkaroon pa ng mga anak bukod sa 17-taong-gulang na si Iñigo.

“Gusto ko pang mag-asawa. Gusto kong maka-apat pang anak. Mahilig ako sa bata eh. Siyempre gusto ko naman makasama ko ‘yong mapapangasawa ko sa lalong madaling panahon,” kwento ng 37 anyos na aktor.

Nang usisain tungkol sa katangian na hinahanap niya sa mapapangasawa, sagot niya, “Sana 20s. Ambisyoso? Bakit? Gusto ko pang apat na bata, kapag 30 lagot. Sana nasa mid-20s,” sabi niya. “Kaya naman pinapanitili ko ‘yong pagiging aktibo kasi gusto ko pang matamasa ‘yong oras ng magi­ging mga anak ko kahit pa lumalaki na sila. Kagaya na lang ni Iñigo. Marami kaming ginagawa na magkasama.”

Samantala, malayo sa madalas niyang pagganap bilang leading man sa mga romantic comedy, magbabalik na si Piolo sa primetime sa pamamagitan ng  Hawak Kamay bilang ama-amahan sa apat na bata mula ampunan simula sa Lunes (Hulyo 21).

                                                 

vuukle comment

DAHIL

DYESEBEL

GUSTO

KANYANG

NIYA

YAGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with