^

PSN Showbiz

Matapos patawarin, Aiko ipinagdarasal na lang ang ex-bf

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang napatawad kundi ipinagdarasal pa raw ngayon ni Aiko Melendez ang dati niyang kasintahan na si Patrick Meneses. Si Ara Mina na ngayon ang kasintahan ng binata na matatandaang nakarelasyon din ni Jomari Ylanna noon na dating asawa naman ni Aiko.

“I’ve actually not just forgiven them, but I pray for them, mahirap man isipin. Dapat ‘pag healed ka na, mapagdadasal mo na ‘yung tao. So that’s what I do now, I pray for them,” pahayag ni Aiko. Handa na kayang maging kaibigan muli ng aktres sina Ara at Patrick ngayon?

“Friends, I do not know yet. Kasi I just want to take it one day at a time. I’ll pray for it,” sagot ni Aiko.

Samantala, may bulung-bulungan na mukhang makakabalikan niya si Jomari Yllana dahil madalas silang makitang magkasama sa mga larawang naka-post sa Instagram. “Magkaibigan lang talaga kami. Siguro nabigyan lang ng malisya ‘yung pictures namin sa Instagram together,” paliwanag ng aktres. Madalas pa raw ipakilala ni Jomari si Aiko bilang ‘My Wife’ sa ibang tao na kanilang nakakasama.

“Sometimes he does that eh. That’s why noong minsan nga, sabi ko kay Jom, ‘Ba’t mo ba ako pinapakilalang wife mo? Nako-confuse ‘yung tao.’ Unfair sa akin, kasi siyempre obviously, lalaki, pwede siya manligaw. Ako, natatakot ‘yung mga taong gusto akong ligawan. Kasi akala siya pa rin ‘yung asawa ko,” pagbabahagi ni Aiko.

Umaasa raw ang atres na makikilala rin ang lalaking makakasama niya sa habang buhay. “Si Jom kasi ngayon, sagradong Katoliko. I have nothing against his religion. But kasi, I prefer na maging Christian din ‘yung magiging future partner ko,” pagtatapos ni Aiko.

Derek ginagawang advicer ni Kris

Itinanggi ni Derek Ramsay na nagde-date sila ni Kris Aquino. Maituturing daw ng aktor na ‘Best friend’ niya ang Queen of All Media. “I have been very grateful that we are very, very close friends. She knows a lot of things about my life that I’m comfortable telling her and she gives me advice on those aspects or whatever problems I have. Also, she asks me for advice,” pagtatapat ni Derek.

“For someone like Kris Aquino to come to me and ask for advice, it goes to show how she values our friendship,” dagdag pa niya. Ilang buwan na ring nauugnay sina Kris at Derek pero ayon sa aktor ay single daw talaga siya ngayon. Marami ring ginagawang proyekto ang aktor kaya hindi nito napagtutuunan ng panahon ang pakikipagrelasyon sa ngayon.

“I think it’s just fair na tapusin ko muna ‘tong mga ginagawa bago I set my mind to something like that. It’s draining. I’m in and out of the hospital. I need to prioritize, keep more time for myself to relax,” paliwanag ng binata. Reports from JAMES C. CANTOS    
                    

 

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

DEREK

DEREK RAMSAY

INSTAGRAM

JOMARI YLANNA

JOMARI YLLANA

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with