^

PSN Showbiz

JC maraming pinag-iinteresang babae

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maraming magagandang proyekto si JC De Vera mula nang lumipat siya sa ABS-CBN. Puro trabaho ang pinagtutuunan ng pansin ng aktor kaya wala pa rin siyang kasintahan hanggang ngayon. “Bigger dreams lang kasi talaga. Ever since I transferred sa Kapamilya, naka-focus talaga ako sa work. Kasi nag-open sila ng magandang opportunity sa akin. Ayaw kong sayangin ‘yun kaya lahat ng projects na binibigay nila, lahat talaga gina-grab ko,” nakangiting pahayag ni JC.

Unti-unti nang nararating ng aktor ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. “I think malapit na ako sa dream na gusto ko maabot. Gusto ko makatulong sa family so nandiyan ‘yung pagbili ng house, paggawa mo ng business, pag-invest sa magagandang bagay. Malapit na, slowly, paunti-unti, nakakapag-invest na rin ako sa mga bagay. More on real estate, tapos malapit na rin kami mag-launch ng isang bar-restaurant with my friends,” pagbabahagi ni JC.

Samantala, hindi raw nagmamadali ang binata na makahanap ng kasintahan at naniniwala siyang darating din ito sa tamang panahon. “Hopefully someday makakita ako ng time. Hindi naman ako nagsasara ng doors sa thought na ‘yun. Pero sa ngayon talaga, hindi mo maiiwasan, talagang all work. Anytime naman I’m ready. Hindi ko lang talaga pinu-push na magmadali ako. Malay natin, three or five years from now, pwede ka na mag-settle down if enough na ‘yung naipon mo,” giit ni JC.

Marami ring hinahangaang mga Kapamilya actress ang binata. “Marami akong nakikita, interesadong makilala. Mga nagiging crush dahil alam mong maganda talaga sila. Pero siyempre hindi mo makikilala sila hanggang hindi mo nakakausap talaga. Wala naman akong chance so hindi lahat sila nakakausap ko.”

Janella tinutulungan ang ina ni Marlo na may cancer

Malapit sa isa’t isa ang magkatambal sa teleseryeng Be Careful With My Heart na sina Janella Salvador at Marlo Mortel. Para kay Janella ay isa si Marlo sa mga lalaking espesyal sa kanya. “Okay naman at kung paano kami sa camera, in person gano’n din kami,” bungad ni Janella.

Kamakailan ay napabalitang may cancer ang ina ni Marlo kaya ikinalungkot daw ito ni Janella at ng iba pang mga kasamahan sa nasabing proyekto. “Actually I knew that medyo matagal na, sinabi niya sa amin. Ako na-sad ako, binigyan namin siya ng book na Diet Cure for his mom. Talagang we’re helping him and his mom, kino-comfort namin siya always,” kwento ni Janella.

Hindi raw masasabi ng dalaga kung mayroong tsansa na maging kasintahan siya ng aktor lalo pa’t istrikto ang inang si Jenine Desiderio pagdating sa pakikipagrelasyon. “Pwede naman akong makipag-friends sa boys. Siguro as a mom lang, she’s just protecting me na kung anong pwedeng mangyari. Gina-guide niya ako because she’s been there, nag-showbiz din siya,” paliwanag ng aktres. Reports from James C. Cantos   

vuukle comment

ACTUALLY I

AKO

BE CAREFUL WITH MY HEART

DIET CURE

JAMES C

JANELLA

JANELLA SALVADOR

MARLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with