PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Diether may sakit, ‘di na raw nakakapagtrabaho?!

MANILA, Philippines - Nasaan nga ba si Diether Ocampo? Nababalita kasing may sakit siya kaya hindi na raw nakakapagtrabaho.

Matagal-tagal na rin kasing inactive sa showbiz ang aktor na ang huling balita pa, late last year ay matutuloy na umano ang pag­lipat nito sa GMA 7. Hindi na raw uli kasi ito nabigyan ng trabaho after ng Apoy sa Dagat kasama sina Piolo Pascual and Angelica Pa­nganiban sa ABS-CBN.

Pero after that ay wala nang nabalitaan sa kanya except sa paminsan-minsang issue sa love life niya dahil kilalang equestrian ang girlfriend niyang si Michelle Barrera, isang Filipina-Australian. Kamag-anak umano ito ng mga Cojuangco.

May ilang sightings naman daw ang actor pero hindi naman siya matanong tungkol sa isyung may sakit siya at nahihirapan diumanong magmemorya ng script.

Bukas ang pahinang ito in case na gusto niyang iklaro ang kumakalat na kuwento.

Rocco Nacino pinarangalan ng Gawad Duya­n Awards

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Si Rocco Nacino ang pinarangala ng Natatanging Likha para sa Dulang Pantelebisyon – Hiblang Huwaran award noong May 31 ng Gawad Duyan Awards in Quezon City.

Ang Gawad Duyan ay organized ng Philippine Pediatric Society  na ang objective ay “aims to highlight shows that responsibly and sensitively project values, relationships and events that impact the unique and fragile milieu of the young.”

Ipinagkaloob ang award kay Rocco para sa kanyang portrayal bilang Mayor Joseph Santiago sa original series sa good governance na ipinalabas sa GMA News TV, Bayan Ko.

“It feels great to be recognized for your talents. I would like to thank GMA and GMA News TV for entrusting me good projects and memorable roles. This award serves as motivation to improve and excel more in my craft. Sana magkaroon pa tayo ng maraming Joseph Santiago sa gobyerno natin.”

Sa kasalukuyan ay kasama si Rocco sa Sunday All Stars at nagsu-shooting siya para sa pelikulang Hustisya, a Cinemalaya film, which topbills Superstar Nora Aunor.

Kuya parang OA na, pagpapa-nude painting session sisilipin daw ng MTRCB

Sunud-sunod na hamon ngayong linggo ang ibi­nigay ni Kuya sa housemates ng Pinoy Big Brother All In sa kanilang weekly task na Yes All We Can na sinubok ang ilan sa kanilang paniniwala, prinsipyo, at paninindigan. Kabilang na rito ang isang hamon sa relihiyosong si Jayme na maging modelo para sa isang nude painting.

Dumaan sa matindi at emosyonal na pagdedesis­yon si Jayme, na kinailangan pang konsultahin ang ibang housemates pati ang Bibliya bago siya umoo sa hamon. Makakasama niya sana rito sina Daniel, Michelle, at Ranty, ngunit matapos marinig ang saloobin ng kanyang ama na sinabing huwag niyang tanggapin ang task, tuluyan na ngang umatras si Jayme rito.

Bukod sa weekly budget, nakasalalay rin sana sa weekly task ang pagtulong sa adbokasiya ng isang magaling na artist, na siyang magpipinta sana sa kanila na marami ring natutulungan at nagtuturo sa iba na walang bayad.

Opisyal na nominees for eviction sina Ranty at Aina. Sino kaya sa kanila ang susunod na mapapalayas sa Bahay ni Kuya?

Para i-save ang isa kina Maris, Jacob, at Jane, i-text lang ang BB <name of housemate> at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular, at ABS-CBNmobile subscribers, at sa 231 para sa Smart at Talk ‘N Text subscribers. Nagkakahalagang P2.50 ang bawat botong ipapadala para sa Globe, TM, Smart, at Talk ‘N Text, P2 sa Sun Cellular, at P1 naman para sa ABS-CBNmobile.

Teka parang OA ngayon si Kuya. Matapos puro lalaki ang mapatalsik sa bahay, nude painting session naman ang hamon?

Paano kung hindi kumontra ang tatay ng housemate na si Jayme, sana natuloy ang nude painting session at kasama pa sina Daniel Matsunaga at Michelle Gumabao.

Balitang sisilipin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang muntik nang nude painting activity sa PBB All In.

                                                                                             

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: