^

PSN Showbiz

Ka Freddie hindi raw totoong pinalayas si Maegan at mga apo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Babalik na si Kylie Padilla mamaya sa Sunday All Stars. Kakaiba ang production number na gagawin niya na medyo daring. Meron din siyang face-off kay Rochelle Pangilinan na magsi-celebrate ng kanyang kaarawan.

Pero kaabang-abang kung ano ang drama ‘pag magkita sila roon sa studio nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes. Hindi lang kami sure kung kasali ang dalawa sa episode ngayon. Abangan!

PAK: Sinadya ng Startalk si Freddie Aguilar sa kanyang bar sa Malate na Ka Freddie, pero naki­usap itong huwag na siyang hingan ng interview.

May mga sinabi si Freddie sa Startalk reporter na ipasasagot kay Maegan Aguilar na guest sa natu­rang talk show mamayang hapon.

Ayaw na raw kasi ni Freddie na magsalita pa dahil kahit na anong mangyari, anak pa rin daw niya si Maegan. Nilinaw din nito na hindi niya pinalayas ang kanyang anak pati ang mga apo nito. Nandun pa rin naman daw ang mga gamit nila at hindi nila ginagalaw sa kanyang kuwarto.

Abangan din mamaya sa Startalk ang isang mahalagang announcement ng mga host.

BOOM: Walang balak si Martin del Rosario na magsampa ng demanda laban sa nagkalat ng kissing photo sa kapwa lalaki na parang pinapalabas na siya ito.

Napatunayan naman daw niyang hindi siya, at lumabas kung sino ang lalaking nasa litrato na kamukha niya.

Kung gagawin pa raw niya iyon, madadamay pa raw ang ibang taong wala namang kinalaman sa intrigang iyon.

Hindi naman daw niya kailangang patunayan pa na hindi siya bading, dahil mas kilala naman daw niya ang kanyang sarili.

Sabi ng young actor; “Ako kasi ‘yung type ng tao na hindi talaga pinapansin ang ganun, kasi alam ko naman po ang totoo. Alam ko naman po kung ano ang totoong ako, kaya okay lang ako.

“Pero once na nakikita ko na ang family ko affected na, na napi-pressure si Mama ko sa mga comments ng mga katrabaho niya. Siyempre, pressure sa mom sa isang bagay na parang ginugulo ko ang buhay nila.”

vuukle comment

ABANGAN

ALJUR ABRENICA

FREDDIE

FREDDIE AGUILAR

KA FREDDIE

KYLIE PADILLA

NIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with