PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Melissa hindi kayang maging kaibigan si Jake

Ilang buwan na ang nakararaan mula nang magkahiwalay sina Melissa Ricks at Paul Jake Castillo. Masaya raw ngayon ang aktres kahit wala siyang karelasyon.

“Okay lang naman ngayon, masaya naman. Enjoying being single, I am going out a lot more. Gusto ko matuto na makihalubilo sa mga tao, to talk to people, to meet new people. Kasi late bloomer ako eh. I didn’t go out when I was younger, bawal ako lumabas, bawal ako uminom, bawal ako pumarty, bawal ako sa ganyan, takot ako sa tao. So this time I want to explore, I want to learn, I want to make mistakes kasi I am 24 years old na and you know I am not getting any younger. So dapat mag-enjoy lang,” nakangiting pahayag ni Melissa. Kung sakaling mayroong manliligaw sa dalaga ay tatanggapin daw niya pero hindi nagmamadali si Melissa sa ngayon. “Tinatanggap ba ‘yun o hinahayaan natin? Kapag may gustong manligaw, why not? My doors are open naman. Wala naman akong sinasarang pinto for anyone,” pagtatapat ng dalaga. Samantala, magkaibigan pa rin naman daw sila ni Paul Jake ngayon kahit nagkahiwalay na.

Matatandaang nakarelasyon din ni Melissa si Jake Cuenca pero hindi raw nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa.

“Like I said before, it has been such a long time. Ako, I just let it go. Hindi na ako umaasa ng anything from him pero no, I don’t want to be his friend. I have my own reasons. Ako naman, wala akong kaaway, I don’t like holding grudges pero that time hindi talaga eh. I tried to be a friend towards him, I tried to be nice, I tried to accept things pero hindi talaga kaya. Pero civil lang naman, hindi naman kami magkaaway pero I would just rather stay away,” paliwanag ng aktres.

Slater, ipinagtanggol ang PBB

Isa si Slater Young sa hosts ng online show ng Pinoy Big Brother All in Edition. Kahit pinaghandaan ng dating Big Winner ng nasabing reality show, ay kinakabahan pa rin daw siya hanggang ngayon sa kanyang ginagawa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Kabado ako but I’m learning a lot kasi I’m really from PBB, so masaya. I took a workshop with tito Boy, and I’ve learned a lot from that workshop and siyempre maganda rin na experience because I get to work with whom I’m comfortable with, which is PBB,” bungad ni Slater. Nagbigay din ng reaksyon ang binata tungkol sa opinyon ng ilan na scripted na diumano ang bagong season ng PBB.

“Never naman naging scripted talaga ang PBB. If PBB is scripted, kaming lahat ay award-winning actors na dapat ‘di ba? I think ‘yung audition process lang na hindi in-expect ng mga tao na may papasok na celebrities. I think doon sila nagre-reklamo. Kasi hindi rin nasabi agad na ‘yun ‘yung mangyayari,” giit ni Slater.        -Reports from JAMES C. CANTOS

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: