^

PSN Showbiz

Naglalakihang Kapuso stars dadayo sa Bangus Festival ng Dagupan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang week-long celebration ang naghihintay para sa mga Dagupeño sa kanilang 11th Bangus Festival ngayong taon dahil naglalakihang stars ng GMA Network ang susugod sa Dagupan para maki-fiesta at makisaya.

Ngayong Biyernes, April 25, bibisita ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Ve­lasquez-Al­casid sa siyudad para sa isang Kapuso Fans’ Day sa CSI The City Mall simula 6:00 PM. Bukod sa mini concert ni Regine may nakatakda rin siyang pasabog sa mga taga-Pangisanan.

Darating doon sina Elmo Magalona at Rita de Guzman ng afternoon drama series na Villa Quintana para magpa­saya ng kanilang fans sa isang mall show sa parehong venue pagdating ng 4:00 p.m. sa Sabado, April 26.  Kinabukasan, Linggo, ang cast naman ng up­coming inspirational drama series na Niño—sina Miguel Tanfelix, Bianca Uma­­li, Julian Trono, at Renz Valerio—ay iikot sa major streets ng Dagupan para sa festival float parade pagsapit ng 9:00 a.m.

May live coverage ng nasabing parada na pinamagatang Festivals of the North Fiesta Natin ‘To ang mapapanood sa GMA regional stations sa Dagupan, Cebu, Iloilo, Davao, Bacolod, CDO, GenSan, at Bicol mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 a.m. hatid ng GMA TV10 News and Public Affairs unit. Pagsapit naman ng 10:45 a.m. hanggang 12:05 p.m. ihahatid naman ng GMA Dagupan ang Festivals of the North: Ed Amianan 2014 Part 1  na susundan ng  Festivals of the North: Ed Amianan 2014 Part 2  pagdating ng 12:10 p.m.

Pagpatak naman ng 4:00 p.m. ng April 27, mu­ling magsasama-sama sina Miguel, Bianca, Julian, at Renz para sa isa pang mall show sa CSI The City Mall Dagupan.

At sa huling araw ng buwan, April 30, mapapanood naman ang Primetime King na si Dingdong Dantes sa isang Kapuso Night sa De Venecia Highway simula 6:00 PM. Naroon din kasama niya ang Sunday All Stars young divas na sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia, pati na rin ang komedyanang si Gladys Guevarra.

Samantala, noong April 22, Martes, dinumog ang Kapuso Fiesta na pinagbidahan ng Primetime Queen na si Marian Rivera kasama sina Julie Anne San Jose at ang host na si Boobay sa Dagupan City Plaza. Noong umaga nama’y pumarada ang cast ng Innamorata na sina Max Collins, Luis Alandy, Dion Ignacio, Jackie Rice, at Gwen Zamora.

Ang GMA ang strategic partner ng City Government ng Dagupan para sa Bangus Festival 2014. Ang highlights naman ng pakikibahaging ito ng Network sa nasabing festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta TV Special sa darating na May 11 sa regional stations ng GMA sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO. 

Tropa mo ko unli sa Abu Dhabi at Dubai, malaking tagumpay

Naging matagumpay ang hinandog na special live shows ng main cast ng Tropa Mo Ko Unli kamakailan sa Abu Dhabi at Dubai, kung saan bukod sa puno ito nang kasayahan ay punung-puno rin ng audience ang mga venue, na kabilang doon ang Philippine Ambassador to the United Arab Emi­rates, si Grace Relucio-Princesa, na nakiisa rin sa kulitan ng cast.

Ang Middle Eastern invasion ng Tropa Mo Ko Unli, na parte sa special summer episodes nito, ay pinangunahan nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Alwyn Uytingco, Tuesday Vargas, Wendell Ramos, Empoy, Ritz Azul, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, at ng kanilang special guest na si Iwa Moto.

At sa darating na Sabado, mapapanood mismo sa TV5 ang nangyaring kulitan at katuwaan sa mga live shows sa Abu Dhabi at Dubai, at masasaksihan din kung paano halos malaglag sa kani-kanilang mga upuan ang ating mga kapatid na naka-base roon nang ipalabas ang mga iba’t ibang segments ng Tropa Mo Ko Unli, tulad ng Singing Biik, Corny Maybe, Laysa May Toyo, at Paminta 101. 

Bukod rito, ikinatuwa rin ng mga audience ang surprise performance ng ilan sa mga cast ng programa, tulad ng TV5 hunks na sina Wendell Ramos at Edgar Allan Guzman, na nagpakilig sa mga babaeng audience nang sila ay haranahin. Si Tuesday Vargas naman, na kilalang-kilala sa kanyang comedic antics, ay nakipagkulitan sa mga lalaking manonood. Nagmistulang mini-concert naman ang mga shows nang binirit ni Ogie Alcasid ang ilan sa kanyang mga classic hits, na sinabayan din ng audience sa pagkanta.

Dapat ring abangan sa TV5 ang pagpapalabas ng panibagong spoof segment ni Empoy na ginawa pa niya mismo sa isang desert sa Middle East—ang 300: Rise of an Empoy, na isang spoof sa sikat na Hollywood blockbuster film na 300: Rise of an Empire. 

Panoorin ang tuwaan, kiligan, at kulitan sa special Middle Eastern summer invasion ng Tropa Mo Ko Unli, na ipapalabas sa back-to-back episodes, simula ngayong Sabado, Abril 26 ng 7:15 p.m. at sa Mayo 3, sa TV5.

 

vuukle comment

ABU DHABI

BANGUS FESTIVAL

DAGUPAN

DUBAI

ED AMIANAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

TROPA MO KO UNLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with