^

PSN Showbiz

Robin nagbebenta ng mga ari-arian para makapag-aral sa Spain

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kung si KC Concepcion ay mas pinili ang pag-aaral kaysa pag-aartista o pag-ibig, kaya si Robin Padilla ay ipinagbibili ang ilan niyang mahalagang ari-arian para may magastos para sa kanyang pag-aaral sa bansang Espanya.

Hindi dahil wala na siyang pera kundi wala nang mapaggagamitan ang mga ibi­benta niya. Siya pa nga ang tumatang­gi sa mga project dahil gusto niyang mag­­kapanahon para sa asawa niyang si Ma­riel Rodriguez. Come to think of it, ma­­tagal na rin silang mag-asawa, bakit hindi pa nila planuhin ang magkaanak para bukod sa kanya ay may maasikaso rin si misis tutal naman ay wala rin itong trabaho?

Piolo hindi na mapigilan sa pagre-retiro

Dumarami yata ang bilang ng mga artista natin na gustong magpahinga sa pag-arte. Una na si Piolo Pascual na gayung napakabata pa ay nagpaplano nang magretiro at manirahan na lamang sa U.S. na kung saan ay may mga naipundar na siyang mga bahay at negosyo. At tila mandin hindi makapipigil sa plano niya ang pagiging successful ng huling pelikula na ginawa niya, ang Starting Over Again. At least nga naman, magba-baboo siya na nasa itaas pa    at hindi pa nalalaos.

Pero ano ang magagawa natin kung talagang gusto ni Piolo na manahimik na. Matagal na rin naman siyang artista. At may anak siya na mapagbabalingan ng pansin. Hilingin na lang natin na maging masaya siya sa bagong kabanata ng buhay na papasukin niya sakaling matuloy na ang balak niyang pananahimik sa Amerika.

Danita mabilis ang pagsagot kay ABRA

Aba, hindi masama kung maging magkarelasyon sina Danita Paner at Abra. Pareho silang mahilig sa musika at   libreng magka-inlaban. Matapos ang episode nina Danita at JC de Vera walang nababalitang ipinalit dito ang magandang artista na ngayon ay natutuon ng pansin sa kanyang pagkanta.

Kaya lang agad na itinanggi ni Danita ang anumang pagli-link sa kanila ng guwapong rapper at sinabing ate siya nito. Ganun?!

 

vuukle comment

ABRA

AMERIKA

DANITA

DANITA PANER

PIOLO

PIOLO PASCUAL

ROBIN PADILLA

SHY

STARTING OVER AGAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with