^

PSN Showbiz

Jericho pigil na pigil, naliligo pagkatapos makipaghalikan kina Angel at Maja!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Maligayang-maligaya sina Angel Locsin, Jericho Rosales, and Maja Salvador sa mainit na pagtanggap ng manonood sa programa nilang The Legal Wife.

Bakit nga naman hindi ay naging bukambibig na ng manonood ang pangalan ng mga character nila sa serye ng ABS-CBN.

Grabe naman kasi talaga ang kuwento, painit nang painit ang agawan nina Monica and Nicole kay Adrian.

At hindi lang basta agawan, mainit ang pakikipaglampungan ni Andrian (Jericho) sa dalawang babae sa buhay niya Monica (Angel) and Nicole (Maja).

Kaya nga minsan nanakit na ang labi ni Echo sa sobrang pakikipaghalikan kay Maja na bestfriend ni Angel sa kuwento. Pigil na pigil din ang aktor sa kanyang sarili dahil baka nga naman ‘magwala’ ang kanyang ‘alaga’ at ma-offend ang dalawa niyang leading lady. “Careful ako na hindi nila ma-feel na nagti-take advantage ako. From down here (sabay turo sa kanyang ‘alaga’). So after the scenes naliligo ako, naghuhugas ng kamay,” pabirong sabi ng aktor sa ginanap na pocket presscon ng serye kahapon ng tanghali.

Eh hindi ba naman nagseselos ang mapapangasawa ni Echo na si Kim Jones sa mga umaatikabong love scenes nila ng dalawang kapareha?

“She’s very supportive,” maiksing sagot niya.

Nagpapasalamat pa nga raw siya sa programa na naranasan na agad niyang mambabae bago pa man magka-asawa.

Ikakasal si Jericho sa Boracay sa May 1 kaya dalawang buwan muna siyang mamahinga sa trabaho.

At si Angel pala ay hindi basta-basta tinanggap ang Legal Wife. Naisip niya raw kasi na baka katulad din ito nang mga nauna ng kuwento tungkol sa mga kabit. Pero nang nabasa niya ang script, namangha siya.

Isa pang rason ay marami siyang mga kaibi­gang biktima nang pagiging unfaithful ng kanilang mga asawa. Iniwan ang mga kaibigan niya. “So dito talagang ipinakita ko ang pinagdadaanan ng mga babaeng niloko. Mararamdaman mo ‘yung sakit at kung paano mo ipinaglalaban ang karapatan mo,” paliwanag ng aktres.

Si Maja naman ay hindi nadadalian sa ginagawa niyang pang-aagaw kay Echo. Ikaw nga naman ang kamuhian ng lahat, talagang mababaliw ka. “Sino ba naman ang hindi mahihirapan kung kinamumuhian ka,” susog ni Maja.

At kung mataas man ang rating nila at pinag-uusapan kahit saan, ‘yun naman ay dahil inuumaga   sila sa taping at ginagawa nila ang lahat. Walang nag-iinarte.

Pero so far ang mga malalanding joke lang ni Echo ang napapansin pa lang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Besides kaya nga raw late na sila umeere dahil nga sa kaselanan ng tinatalakay nilang kuwento.

“Pero hindi lang ito basta tungkol sa sex. This is about relationship,” dagdag ni Jericho.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

JERICHO ROSALES

KIM JONES

LEGAL WIFE

MAJA

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with