^

PSN Showbiz

Danica 'di haharangin ang kasal ni Vic at Pauleen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang balak pigilan ni Danica Sotto-Pingris ang mga bagay na magpapaligaya sa kanyang amang si Vic kahit ang pagpapakasal ng TV host/komedyante kay Pauleen Luna.

Sinabi ni Danica sa kanyang panayam sa “24 Oras” kagabi na susuportahan niya ang kanyang ama sa anumang bagay.

“Sige go! Basta seryoso siya,” sagot niya kay showbiz reporter Lhar Santiago nang tanungin sa posibleng kasalanan na magaganap.

Kaugnay na balita: Vic Sotto planong pakasalan si Pauleen, ayaw nang matulog mag-isa

“Di ko alam, pero kung 'yon talaga ang gusto niya tsaka 'yon ang will ni God, e, why not di ba? So nasa kanya 'yon, and nasa Panginoon 'yon.”

Noong una ay hindi naging maganda ang reaksyon ng mga anak ni Vic, kabilang si Oyo Boy, sa relasyon ng kanilang ama kay Pauleen pero kalaunan ay tila naayos na ito.

“Siya naman ang nag-reach out para kausapin kami,” kuwento ni Danica. “Hindi niya rin pinilit 'yong sarili niya na parang, 'oy, pansinin n'yo ko.' Kumabaga hinayaan na niya 'yong time talaga na handa na namin siyang makilala.”

Nauna nang sinabi ni “Bossing Vic” na bukas siya sa kasalan nila ng kapwa “Eat Bulaga” host.

“It is not a good relationship if you're not going to talk about that (marriage),” wika ni Vic nang makapanayam ni Kris Aquino nitong nakaraan taon.

Dagdag niya na ayaw niyang tumanda mag-isa.

“There was a phase in my life [that] I was thinking na ayoko na mag-asawa, I’ll be single for the rest of my life,” banggit ng komedyante.

“Inisip ko rin malaki na mga anak ko, may mga pamilya na sila, eh sino maiiwan sakin?”

vuukle comment

BOSSING VIC

DANICA

DANICA SOTTO-PINGRIS

EAT BULAGA

KRIS AQUINO

LHAR SANTIAGO

NIYA

OYO BOY

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with