^

PSN Showbiz

Hindi pa tapos ang mga ‘pasabog’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

When it comes to her personal life, walang itinatago ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino.  Hindi kailangan sa ibang tao o ibang bibig manggaling ang balita tungkol sa kanya at kanyang pribadong buhay kundi sa kanya mismo. Gusto mang gawing pribado ni Kris ang maraming bagay laluna pagdating sa kanyang personal at buhay-pag-ibig, malabo pa sa Ilog-Pasig na ito’y mangyari. Bago nga naman siya maunahan ng iba, siya na mismo ang nagbaba­lita kung ano ang mga kaganapan sa kanyang buhay.

Kaya ‘wag tayong mag-aalala dahil isa sa mga araw na ito ay tiyak na ibabahagi rin niya ang tunay na nangyari sa sinasabing naudlot na relasyon nila ni QC Mayor Herbert Bautista.

Alam mo, Salve A., tandang-tanda ko pa ang sinabi ng isang kasamahan sa panulat sa contract signing ni Derek Ramsay with Regal Films kamakailan lang  na hindi magtatagal ang relasyon nina Kris at Mayor Bistek.  “Buwan lang ang bibilangin o baka hindi pa,” tila siguradong pahayag ng veteran writer na nagkatotoo nga kung hiwalay na nga sila.

Magmula kasi nang aminin ni Kris ang estado ng relasyon nila ni Mayor Bistek ay umani ito  ng mixed reactions sa publiko at netizens  na karamihan ay negatibo kesa positibo.

In fairness to Mayor Bistek, never siyang umamin na sila na ni Kris. 

I bet, Salve A. na meron pang ibang mga pasa­bog si Kris in the days to come.  Kaya patuloy na inaabangan ng mga televiewers ang kanyang dala­wang daily show, ang Kris TV sa umaga at ang kanilang tambalan ni Boy Abunda sa gabi, ang Aquino and Abunda Tonight para first hand na marinig mula sa kanya ang bagong development sa kanyang personal na buhay.

In fairness kay Kris, very consistent siya sa pagiging newsmaker.  Anything she does ay nagagawang malaking balita.

Maja aminadong siya ang naunang gumawa ng move kay Kim

Hindi ikinakaila ni Maja Salvador na siya ang nag-initiate sa muli nilang pagkakabati ng (dati) niyang best friend na si Kim Chiu na ex-GF ng kanyang nobyo ngayon na si Gerald Anderson. Masaya ang pakiramdam ngayon ni Maja at ganundin si Kim at umaasa ang una na muli nilang maibabalik ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.  Nag-usap na rin sina Kim at Gerald kaya masaya lahat. In a way, imposible namang mag-isnaban sila forever dahil iisa ang kanilang home studio (ABS-CBN) at management company (Star Magic) at ang kanilang studio ang masusunod kung anong projects ang ihahain sa kanila.

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BOY ABUNDA

DEREK RAMSAY

GERALD ANDERSON

KAYA

KRIS

MAYOR BISTEK

SALVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with