^

PSN Showbiz

Chemistry nina John Lloyd at Sarah mahirap kalimutan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

May movie pala si Sarah Geronimo kasama si Coco Martin. Eh bakit, parang ngayon lang ito nababalita? Dapat nilang alalahanin na ‘yung hu­ling movie ni Sarah with John Lloyd Cruz ay inabot ng milyon-milyon ang kinita. Kapag hindi ito nalampasan o napantayan man lamang ng Coco/Sarah movie ay ang una ang bibigyan ng sisi. Hindi si Sarah ang maaapektuhan kundi si Coco. Kaya ngayon pa lamang ay pausukin na nila ang publicity nito. Kailangan ito ni Coco para mapangalagaan ang kanyang estado bilang artista. Mahirap makalimutan na napakaganda ng  chemistry ni Sarah kay JLC. At kailngang mapantayan ‘yun ni Coco.

Anak ni April Boy binubuhay ang career ng ama

Masaya na rin siguro si April Boy Regino dahil kahit hindi siya nakikita sa showbiz circle ngayon, andyan naman at nagpaparamdam ang kanyang anak na si JP Regino. Umiikot na si JP sa mga programa sa TV para i-promote ang kanyang unang album.

Maiibsan na ang pagkagiliw ni April Boy  na makalabas muli sa TV dahil meron nang magpapanatili ng kanyang pangalan sa mundong mahal niya.

GMA maraming sisimulang programa

Maraming mga teleserye ang GMA na nakatakdang magwakas. O huwag kayong malulungkot dahil marami rin namang mga bagong palabas na kalulugdan n’yong muli. Hindi naman papayag ang GMA na hindi gumawa ng mga bagong palabas na mas maganda pa sa mga natapos. May commitment sila sa mga manonood. Kaya after Carmela at Rhodora X na parehong extended, may mga bago kayong aabangan.

vuukle comment

ANAK

APRIL BOY

APRIL BOY REGINO

COCO MARTIN

JOHN LLOYD CRUZ

KAYA

RHODORA X

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with