^

PSN Showbiz

Para raw makaiwas na sa kanegahan hiwalayan nina Kris at Herbert gimik lang?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagdiwang si Regine Velasquez ng kanyang kaarawan na wala na ang kanyang amang si Mang Gerry.

Nag-post ito sa kanyang Instagram account na nami-miss niya ang kanyang Papa sa kanyang kaarawan. Pero kahit papano ay napasaya naman siya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa mga pagbati at mga regalong ipinadala.

Sa Sarap Diva sa Sabado ng umaga ay isi-celebrate ang kanyang kaarawan ng mga espes­yal na guests na sina Donna Cruz-Larrazabal at Mikee Cojuangco-Jaworski na parehong malapit sa kanya.

PAK: Nag-flash report sa DZMM Teleradyo ang pagsugod kay Kris Aquino sa Makati Medical Center kamakalawa ng gabi dahil na-dehydrate pala ito.

Nahilo raw ito dahil bumaba ang blood count ng red blood cells niya, at na-dehydrate sa taping ng Kris TV.

Hindi naman daw siya na-confine dahil umokey din ito pagkatapos niyang maturukan ng gamot.

BOOM: Sa Instagram account din ni Kris ibinunyag ang tungkol sa naun­syaming relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista.

Ipinost nito ang maraming Gatorade na ipinadala sa kanya ni Mayor Bistek at nagpasalamat siya. Pero sinabi nitong “best of friends” lang daw talaga sila at tiyak na maging “friends for life” daw silang dalawa.

Pero tumaas ang kilay ng ilang taong nakaalam ng tungkol sa kanilang re­lasyon dahil parang hindi naman daw totoong nag-break na sila.

Parang pinapalabas lang daw na wala na para hindi na sila guluhin pa ng media at hindi na pag-usapan dahil tila nagiging nega na raw ang dating sa kanilang dalawa lalo na kay Mayor Bistek.

vuukle comment

DONNA CRUZ-LARRAZABAL

KANYANG

KRIS AQUINO

MAKATI MEDICAL CENTER

MANG GERRY

MAYOR BISTEK

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with