^

PSN Showbiz

Serena masaya sa buhay sa London, showbiz limot na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Turning 24 on September 7 na ang dating child star na si Serena Dalrymple na hinangaan nang husto sa kanyang mahusay na portrayal sa pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa at nag-aaral ngayon sa International Business School in London where she’s taking up her masters in international business. Siya ay nagtapos ng college sa St. Benilde kung saan siya kumuha ng Business Administration.  After college, isang taon siyang namirmihan sa Los Angeles, California hanggang mag-desisyon siyang kumuha ng masters sa London.

Ang dalawa niyang mga kapatid na sina Samantha at Sarah ay magkahiwalay na nasa San Francisco, California at Pilipinas.  After her master’s, hindi pa alam ni Serena kung sa London o sa Amerika siya magbi-base.

Wala rin sa kanyang immediate plans ang pagbabalik-showbiz.

 

Kris nanggulat na naman

Marami ang ginulat ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa maiksing hairdo na first time niyang ginawa.

Sa totoo lang, Salve A., full of surprises talaga si Kris.  Mapa-personal na buhay man o pagdating sa kanyang look ay parati siyang nakakagawa ng ingay.

Mixed ang reaction ng mga tao sa bagong hairdo ng Presidential sister.  Ito kaya ay may kinalaman  sa kanyang bagong pinagdadaanan pagdating sa kanyang buhay-pag-ibig o dahil lamang sa mainit na panahon?

Kung tutuusin, hindi lamang si Kris ang nagpaputol ng buhok, nariyan sina Sarah Geronimo, Venus Raj at iba pang celebrities na sana’y ang publiko na makitang mahaba ang kanilang buhok.

At least, may iba na namang pinag-uusapan kay Kris ngayon.

vuukle comment

BUSINESS ADMINISTRATION

INTERNATIONAL BUSINESS SCHOOL

KRIS AQUINO

LOS ANGELES

QUEEN OF ALL MEDIA

SALVE A

SAN FRANCISCO

SARAH GERONIMO

ST. BENILDE

VENUS RAJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with