^

PSN Showbiz

Kris bagong buhay na naman!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Inabangan ng kanyang fans ang paglabas ni Kris Aquino sa Monday episode ng Aquino and Abunda Tonight para makita ang bagong hairstyle nito. Mula nang i-post nito sa Instagram (IG) na “I cut off more than a foot so I’m super ready for my life change” at   “A woman who cuts her hair is about to change her life,” na sinabi ni Coco Chanel, marami ang naging curious.

May mga nagtanong pa kung pareho sila ng rason ni Sarah Geronimo sa pagpapagupit ng buhok, ito’y kahit sinabi ni Kris na for new endorsement ang rason niya. In fact, Monday morning, may print shoot siya for a new endorsement at Saturday and Sunday, may print shoot din siya for SM.

 

Lovi na-in love sa Paris

Trabaho agad ang hinarap ni Lovi Poe nang makabalik after ng bakasyon nila sa Europe ni Rocco Nacino. Sunday evening (April 20) duma­ting ang dalawa at Tuesday, pumunta ang aktres sa salon ni Celeste Tuviera para magpabago ng hairstyle na babagay sa role at karakter niyang si Shiela sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Bukas ang first taping day ni Lovi sa primetime soap kasama sina Maricel Soriano at Dingdong Dantes, pero nauna nang mag-taping ang dalawa. Gagampanan ni Lovi ang role ng second wife ni Dingdong at makakaagaw si Maricel.

Anyway, sa rami ng lugar sa Europe na pinuntahan nina Lovi at Rocco, sa Paris siya na-in love nang husto dahil sobrang romantic daw ang lugar. Pero hindi ibig sabihin na hindi siya nag-enjoy sa bakasyon nila ng aktor na almost 20 days. 

 

Barbie dala-dalawa ang kapareha

Ngayong Wednesday ang sinabi ni Barbie Forteza na first day taping day nila ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na The Half Sisters. Sa May 26 ang scheduled pilot airing nito at papalit sa The Borrowed Wife.

Ibinalita ni Barbie na kasama niya si Thea Tolentino as her half sister at si Jean Garcia ang gaganap nilang ina. Sinabi rin nitong sina Derrick Monasterio at Andrei Paras ang leading men niya.

Hindi pa niya alam kung sino ang makakapareha ni Thea, pero alam niyang may love interest din ito.

Sa direction ni Mark Reyes, kasama rin sa cast sina Jomari Yllana, Ryan Eigenmann, JC Tiuseco, at Pinky Marquez.

 

SAS, papalitan na naman ng title

Ire-reformat na naman daw ang Sunday musical show ng GMA 7 at kung titingnan ang mga nakaraang pagre-reformat ng show, pati title ay binabago. Hindi nakakagulat kung sa pagre-reformat ng show, hindi na Sunday All Stars ang magiging title ng show.

Curious lang kami kung pinakikinggan ng network ang Kapuso viewers kung ano ang gustong show na mapanood at kung sino ang gusto nilang magdirek. Ang gusto ng viewers ay si Rico Gutierrez ang magdirek ng musical show dahil nagustuhan nila ang trabaho nito nang mag-alternate kay Mark Reyes sa pagdidirek ng Party Pilipinas.

Posible kayang ibalik ng Ch. 7 si Direk Rico sa Sunday musical show? Kung natatandaan pa ng viewers, sa Party Pilipinas mas sumikat noon ang love team nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANDREI PARAS

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BARBIE

KUNG

LOVI

MARK REYES

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with