^

PSN Showbiz

Mga kinikita ni Julia diretso kay Marjorie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isa si Julia Barretto sa pinakasikat na teen stars ngayon. Bukod sa teleseryeng Mirabella na pinagbibidahan ng aktres ay kabi-kabila na rin ang product endorsements niya. Ngayon ay natutunan na raw ng dalaga kung paano niya pangangalagaan ang lahat ng kanyang kinikita. “Personality ko na talaga na medyo kuripot ako. Actually, kuripot talaga ako,” natatawang bungad ni Julia. “I’m so scared to spend unless I know that it’s really what I want. You’ll know that you want it if you keep going back to it ‘di ba? I feel kasi that there’s so many things that I want when I’m older na kaya alam ko na I want to save it. Pero siyempre dapat may investments rin and my mom’s slowly teaching me that. I trust my mom so hina-hand ko sa kanya ‘yung mga investments, ‘yung mga gano’ng stuff, money stuff,” paliwanag ng aktres.

“Nag-agree kami ni mommy na I’m going to save ‘yung lahat ng naipon ko sa endorsements. Kasi pang-future ko na ‘yun habang I’m still under her care and her home, I can still save up pa naman. So siguro the things I want to buy, manggagaling na ‘yun sa mga mall show, mga tapings,” dagdag pa niya.

Nagdiwang ng kanyang ika-17 na kaarawan si Julia noong isang buwan at mayroon naman daw siyang mga nabiling gamit bilang regalo sa kanyang sarili. “May prize ako. Sinabi ko sa mommy ko, ‘I deserve a prize!’ Like let’s say a bag or a pair of shoes, what girls usually like to buy,” pagtatapos ni Julia.

Maja walang paki kahit pinipintasan ang pagiging Recording Star

Kamakailan ay lumabas na ang album ni Maja Salvador. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang aktres ng ganitong proyekto kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala na napasok na rin ni Maja ang mundo ng recording. “Ang title ng album ay Believe. Ngayon parang meron pa rin na, ‘Nandito na ba talaga ako?’ ‘May album na ba talaga ako?’ Believe it or not talaga, heto na, meron na talaga akong album. Sobrang masaya lang ako dahil ‘yung pagtanggap nila do’n sa single ko na Dahan-Dahan sobrang ganda po ng feedback,” pagbabahagi ni Maja.

Kilala ang dalaga bilang isang magaling na aktres kaya marami rin ang bumabatikos ngayon kay Maja kung bakit pinasok pa niya ang pagkanta. “Tanggap ko na ‘yan, saka expected ko na ‘yan kasi nakikita nila ako sa ASAP, sayaw nang sayaw. Sana bigyan n’yo ako ng chance kasi as an artist po, mag-e-explore ka at magta-try ka ng ibang talent na pwede. Isa akong example na naniniwalang believe and it will happen. Para sa akin, sa buhay kung paniniwalaan mo ‘yung pangarap mo na ‘yun at hindi mo bibitawan, mangyayari at mangyayari ‘yon,” giit ni Maja. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

BUKOD

ISA

JULIA

JULIA BARRETTO

MAJA

MAJA SALVADOR

NGAYON

RECORDING STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with