^

PSN Showbiz

Sarah ikinumpara si Coco sa bibingka

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ang lakas nang dating ng movie poster ng pelikulang Maybe This Time nina Sarah Gero­nimo and Coco Martin ng Star Cinema and Viva Films. Sa May na ipalalabas ang first movie team up ng dalawa. Nasa itaas ng pangalan nila ang billing ni Ruffa Gutierrez na maganda raw ang papel sa pelikula.

Matagal-tagal na rin ang huling movie ni Sarah, ang It Takes a Man and a Woman na pelikula pa nila ni John Lloyd Cruz last year na balitang highest grossing film of 2013.

Samantala, tinanong si Sarah sa interview ng Buzz ng Bayan na if ever na isasama niya si Coco para magbakasyon, saan niya ito dadalhin.

 â€œNarinig ko before, parang gusto niyang mag-Boracay.

“Ako kasi nagpunta na ng Boracay once, pero sa trabaho rin. Sa teleserye na Pangarap na Bituin, so, hindi ko nakita ang ganda ng Boracay. Ang naramdaman ko lang, init,” sabi ng Pop Princess na ibig sabihin ay matagal na matagal na siyang nakapunta sa sikat na islang bakasyunan.

Sa bibingka naman ikinumpara ni Sarah si Coco nang tanungin siya kung saang pagkain puwedeng ikumpara ang kanyang leading man sa Maybe This Time.

Singer-actor iritang-irita sa may-ari ng produktong ini-endorso

Iritang-irita na pala ang isang singer/actor sa kanyang ini-endorsong products. Kasi raw ba naman, walang ginawa ang may-ari ng mga produkto kundi i-remind ang singer na ‘wag kalimutang banggitin sa kanyang show ang kanyang ini-endorso. Kaya gusto na raw nitong bumitiw kahit pa kumita ng milyones sa nasabing endorsement.

Alam naman daw ng actor ang responsibilidad at hindi na raw sana kailangang i-remind pa. Pero sob­rang kulit daw kaya gusto na nitong layasan ang nasabing kumpanya at lumipat na lang sa iba dahil tala­gang hindi na raw nito kini-keri ang kakulitan ng may-ari.

 

Luis hindi makapaniwala sa birthday surprise ni Angel

Maligayang-maligaya si Luis Manzano sa kanyang birthday celebration the other night. Sinorpresa siya ng girlfriend na si Angel Locsin ng mini-concert ng Side A band sa kanyang bahay mismo.

Gulat na gulat si Luis sa ginawa ng kanyang girlfriend. “That moment that your GF sets up a mini Side A concert in your garden!!! Wow, you are unbelievable @therealangellocsin, i love you,” sabi ni Luis sa kanyang Instagram account sa ginawa ng girlfriend.

Dumating sa nasabing party ni Luis ang malalapit nilang kaibigan, tulad nina Nikki Gil and Iya Villania, na karamihan daw ay non showbiz.

Silang dalawa raw ang nag-asikaso sa nasabing dinner pero sobrang nagulat nga ang aktor sa Side A na si Angel ang may pakana.

Proud na proud at sobrang masaya raw ang magkarelasyon ayon sa manager ni Luis na si Tita June Rufino.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BORACAY

COCO MARTIN

IT TAKES

JOHN LLOYD CRUZ

KANYANG

LUIS

MAYBE THIS TIME

SIDE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with