^

PSN Showbiz

Jinkee nagmamakaawa na sa asawa

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lang si Jinkee Pacquiao na ayawan na ang pagpapatuloy ng kanyang asawa sa boksing. May pera na nga naman sila, bakit pa papayagan ni Manny na mabugbog ang kanyang katawan sa boksing? Meron pa ba siyang gustong patunayan? Wala na siguro, walong dibisyon na sa sports na ito ang nakukuha niya, pwede na siyang mamahinga, hindi na rin siya bumabata.

Pero sa malas hindi pa huli ni Manny ‘yun laban niyan kay  Timothy Bradley, magpapatuloy pa siya.

Valerie naghahanda na sa tag-ulan

Tama lang na samantalahin ni Valerie Concepcion ang  pagiging hindi masyadong abala sa kanyang pag-aartista ngayon. Kumukuha ito ng Marketing sa AMA. Pinaghahandaan niya ang panahon na hindi na siya nakakakuha ng mga roles. Pero mukha namang hindi niya ito dapat problemahin pa dahil hindi naman siya nasi-zero. May mga projects pa rin naman siyang nakukuha sa GMA. Kasama siya sa bagong serye na tatampukan nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs.

James at Dennis sinulit ang bakasyon sa mga anak

Naging mas masaya ang observance  nina James Yap at Dennis Trillo  ng Holy Week dahil kasama nila pareho ang kanilang mga anak na sina Bimby (James) at Calix (Dennis). Sinasamantala ng dalawang abalang ama ang panahon para masulit  ang bonding nila sa kanilang mga anak. Pagbabalik nila sa kanilang mga trabaho ay recharged na recharged na sila.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

HOLY WEEK

JAMES YAP

JANNO GIBBS

JINKEE PACQUIAO

MANILYN REYNES

PERO

TAMA

TIMOTHY BRADLEY

VALERIE CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with