^

PSN Showbiz

Starlet na sikat Alano, magsasalita na rin sa ginawang panghahalay sa kanya

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Pagkatapos mag-Holy Land nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado, tumuloy sila ng bakasyon sa Boracay nung nakaraang Semana Santa.

Tuluy-tuloy ang bonding ng pamilya na talagang sinulit nila sa ilang araw na bakasyon nila sa Boracay.

Hindi kasi ganun ka-crowded ang Boracay nung nakaraang Semanta Santa, kaya na-enjoy ng ilang celebrities na nagbakasyon doon.

Ilan pa sa mga celebs na doon din nag-Semana Santa ay ang mga Dabarkads na sina Julia Clarete, Kempee de Leon, at Allan K kasama ang isang taga-Los Viajeros, Andrea del Rosario, Shalala, at Vice Ganda.

PAK: Mukhang pinaghandaan na ni Kat Alano ang pagsasalita tungkol sa isyung rape na dating kinasangkutan niya kay Vhong Navarro.

Lumabas ang female TV personality  sa isang web magazine na may statement tungkol sa mga nabiktima ng rape na patuloy na nanahimik.

Nakisama ito sa gagawing campaign ng naturang magazine na tutulong sa mga babaeng nabiktima ng rape pero tikom ang bibig at nahihiyang magsalita.

Sabi ni Kat sa kanyang statement; “Let us protect ourselves; even just by speaking out. We can do so much to start to address this problem. I am not silent anymore. I will not let this go unnoticed. I will not turn my back on those who are too afraid to speak up for themselves.”

BOOM: Nilinaw ni James Yap na hindi nagseselos ang girlfriend niyang si Michaela Cazzola sa pagkakaayos nila ni Kris Aquino.

Napanood daw ni Michaela ang interview nila ni Kris na kung saan umiyak pa ang huli.

Nakita naman daw niyang walang selos ang girlfriend niya. Sa katunayan, nag-text pa raw si  Michaela kay Kris na nag-sorry na hindi siya makapunta sa birthday party ni Bimby.

Naintindihan naman daw niyang kailangang maging magulang nina Kris at James sa kanilang anak na si Bimby.

Kung nabigyan daw ng intriga ang ‘di nila pag-follow sa kanilang Instagram account, talagang sinadya raw nila ni Michaela na huwag na mag-follow para walang isyu sa kung anuman ang i-post nila sa isa’t isa.

 

vuukle comment

ALLAN K

BIMBY

BONG REVILLA

BORACAY

HOLY LAND

JAMES YAP

JULIA CLARETE

KAT ALANO

MICHAELA

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with