^

PSN Showbiz

Liz Uy suspek daw sa mga tsismis kay Anne!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Ipapahamak si Dennis Da Silva ng “administrator” ng kanyang Facebook account dahil ipinagbabawal sa Pasig City Jail ang paggamit ng mga preso ng computer at cell phone.

SCENE : “Hahaha” ang comment ni Gina Alajar sa Facebook post ni Perry Lansigan na “Hinay hinay naman . . . sobrang nahahalata na ang gimmick. tsk tsk tsk.” Si Perry ang manager ng anak ni Gina na si Geoff Eigenmann.

SEEN : Ang hinala na si Carla Abellana ang pinatutungkulan ng Facebook post ni Perry Lansigan dahil may pelikula na ipalalabas si Carla sa May 7, ang So It’s You. Umiiyak na isiniwalat ni Carla sa Startalk na hiwalay na sila ni Geoff Eigenmann na apat na taon  na pinagtiisan niya.

SCENE : Ang rebelasyon ni Enrique Iglesias na hindi pa nakikilala nang personal ng kanyang ama na si Julio Iglesias ang girlfriend niya, ang tennis player na si Anna Kournikova. Twelve years na ang relasyon nina Anna at Enrique na may Filipino blood dahil Pinay ang kanyang ina na si Isabel Preysler.

SEEN : Hindi makakatulong sa career nina Jennylyn Mercado at Benjamin Alves ang mga press release tungkol sa kanilang namumuo na relasyon kahit panay ang deny ng kampo nila. Magkakahilahan sila pababa.

SCENE : Ang pasasalamat ni Tim Bradley, Jr. sa kanyang s­up­porters at ang pangako niya na bawiin ang WBO Welterweight Belt: “A big Thank You to all my fans and everyone who watched the fight Saturday night. Congratulations once again to Team Pacquiao on their victory. This isn’t the end of Tim Bradley, it’s only the beginning. I will stop at nothing to get my belt back. Until next time!”

SEEN : Ang stylist na si Liz Uy ang isa sa mga napagbibintangan na source ng balita tungkol sa engkuwentro nina Anne Curtis at Sam Concepcion sa birthday party ni Vice Ganda sa 71 Gramercy noong March 31.

SCENE : Magkakasamang nagbakasyon sa Myanmar noong Holy Week si Anne Curtis at ang kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff, Solenn Heussaff, at ang boyfriend nito na si Nico Bolzico.

 

vuukle comment

ANNA KOURNIKOVA

ANNE CURTIS

BENJAMIN ALVES

CARLA

FACEBOOK

GEOFF EIGENMANN

PERRY LANSIGAN

TIM BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with