^

PSN Showbiz

Kaya ‘di bini-bless ni Lord ng kasikatan young actress superstar na ang pakiramdam, alalay kung ituring ang ina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hate ng production staff ng isang sitcom ang young actress na maldita at nagbibigay sa kanila ng problema.

Feeling superstar ang young actress na hindi rin mabuti ang pakikitungo sa kanyang ina. Ang sey ng production staff, parang PA for personal alalay ang treatment ng young actress sa pobreng ina na walang magawa dahil ang anak ang breadwinner ng pamilya.

Nakalagay sa Ten Commandments na dapat igalang ng mga anak ang kanilang mga magulang. Ang pangit na trato ng young actress sa kanyang ina ang naiisip ko na dahilan kaya hindi umaarangkada ang showbiz career niya. Hindi bini-bless ni Lord ang mga anak na alibugha at walang respeto sa kanilang mga magulang.

Lovi true love ang naramdaman kay Roco

Hindi na itinatago nina Lovi Poe at Rocco Nacino ang kanilang love affair at ebidensya ang mga kissing photo na ipino-post nila sa social media.

Marami ang nagugulat kay Lovi dahil hindi na siya malihim sa kanyang mga personal life. Hindi kagaya dati na hindi niya direktang inaamin ang kanyang mga  naging relasyon kina Congressman Ronald Singson at Jake Cuenca.

Si Rocco na nga kaya ang true love ni Lovi kaya hindi na nito idine-deny ang kanilang relasyon? Sweet na sweet ang dalawa nang puntahan nila ang famous Love Lock Bridge sa Paris, France.

Megan guest sa Harvard university

Si Miss World Megan Young ang isa sa mga special guest sa fundraiser para sa mga biktima ng typhoon Yolanda.

Ang Loeb House ng Harvard University ang venue ng fundraiser na dadaluhan ni Megan sa May 16 at may tema na “Beauty with a Purpose.”

Makakasama ni Megan sa fundraiser ang mga American beauty na winners ng Miss Maine USA, Miss Connecticut USA, at Miss Massachusetts USA.

Award winning actress ngiwi na ‘pag nagda-dialogue, akting ibang-iba na

Ipinalabas noong Holy Week ng isang TV station ang old movie ng award-winning actress.

Walang kupas ang husay ng acting ng aktres sa pelikula pero noon ‘yon dahil ngayon, hindi na maintindihan ang kanyang pagsasalita. Nagtataka  ang fans ng aktres dahil ibang-iba na siya ngayon as in ngiwi na ang kanyang bibig sa tuwing nagbibitaw ng mga dialogue.

Kung anuman ang nangyari o ginawa ng aktres, tanging siya lamang ang nakakaalam pero miss na miss na ng fans niya ang kanyang dating mga performance sa telebisyon at pelikula.

Mga taga-showbiz mas namurahan sa abroad kesa mag-beach

Back to normal ang showbiz at isa-isa nang nagbabalikan sa Metro Manila ang mga artista.

Marami sa mga showbiz personality ang nagbakasyon sa ibang bansa noong Holy Week dahil ang katwiran nila, mas mura na bumiyahe sa ibang bansa kesa pumunta sa mga popular beach sa Pilipinas.

Hindi natin masisisi ang mga artista dahil may katwiran sila. Mas cheap talaga na magbakasyon sa Asian countries dahil mas mura ang mga bilihin, plane fare, at bayad sa hotel. Nagbakasyon naman sa Europe at U.S.A. ang mga artista na talagang pinag-ipunan ang kanilang Holy Week vacation.

Pero wala nang titipid pa sa ginawa ko dahil nanatili lang ako sa bahay at naglinis. Dinispatsa ko na ang mga gamit na hindi ko na kailangan at pampasikip ng space. At siyempre, pinanood ko ang halos lahat ng pelikula sa HBO, PBO, at Cinema One. Na-appreciate ko ang  mga Tagalog movie na de-kalidad ang pagkakagawa at hindi ko napanood nang ipalabas sa mga sinehan.

 

vuukle comment

ANG LOEB HOUSE

DAHIL

HOLY WEEK

LOVI

MEGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with