^

PSN Showbiz

Dalawang pulitikong dating magkadikit, magkaaway na sa isang babae

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Grabe ang tsismis tungkol sa isang local politician na nakarelasyon daw ng anak ng politician din. Consistent ang kuwentu-kuwento. Pero wala namang maglakas ng loob na magtanong sa dalawang pulitikong sabit sa isyu kaya hindi nakaklaro.

Basta raw ngayon, hindi na nag-uusap ang dalawang pulitiko dahil sa koneksiyon nila sa babaeng bida sa kuwentong ito eh dati raw ay parang magkadugo ang turingan nila.

Akting ni Vhong parang hindi nabugbog

Graded B ng Cinema Evalution Board ang pelikulang Da Possessed na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Solenn Heussaff na dinirek ni Bb. Joyce Bernal. Palabas na ang pelikula sa mga sinehan simula kahapon na in fairness ay pinipilahan.

Nag-effort si Vhong na ibahin ang cha­racter niya sa Da Possessed at maging si Solenn. Maalalang ginawa ni Vhong ang Da Possessed pagkatapos na bugbugin siya diumano ng grupo ni Cedric Lee at akusahan pa siyang nanggahasa ni Deniece Cornejo. Pero na-keri ni Vhong na magpatawa sa pelikula.

Speaking of Da Possessed, nakabibilib din ang pagiging professional ni Direk Joyce Bernal na kahit namatay ang tatay ay hindi nagmadaling umuwi ng Pangasinan.

Tinapos niya talaga ang editing ng pelikula para makahabol sa review ng CEB last Tuesday.

Joey de Leon nakaranas ng himala sa holy land

Pangarap ko na ring makarating sa Holy Land. Ang ganda nang naging paglalakbay sa banal na lugar o pilgrimage  ng grupo nina Mr. Mike Enriquez, Danee Samonte, at Joey de Leon na napanood noong Huwebes Santo sa GMA 7. Kasama ng tatlo ang kani-kanilang mahal sa buhay kaya nagkaroon pa sila ng renewal of vows na nagkataon namang wedding anniversary nina Mr. & Mrs. Enriguez.

Kakaibang journey ang ginawa nila kung saan nakaranas pa sila ng visual and spiritual miracles particular na si Joey nang makunan niya sa kanyang camera ang isang hugis manok.

Nagawa nila ang pakay nila sa nasabing lugar at hindi sila nagpa-turista.

Ilan sa pinuntahan nila ang Basilica of the Nativity, Sanctuary of the Shepherds at Altar of the Magi sa Bethlehem, at Basilica of the Annunciation at Church of Saint Joseph naman sa Nazareth. Binisita rin nila ang Cana, Mount of Beatitudes at Sea of Galilee kung saan ginawa ni Hesus ang ilan sa kanyang mga himala, ang Jordan River kung saan bininyagan si Hesus, at ang Jerusalem na pinagdausan ng huling hapunan ni Hesus. Commercialized na nga lang daw ang lugar at lahat may bayad.

Kagagaling lang ni Sen. Bong Revilla at ng kanyang pamilya sa Holy Land at wala pa siyang nababanggit kung anong mga karanasan niya except sa kuwento na nagkaayos sila ni Hayden Kho nang magkita-kita sila roon nina Dra. Vicki Belo.                                        

                                               

 

vuukle comment

ALTAR OF THE MAGI

BASILICA OF THE ANNUNCIATION

BASILICA OF THE NATIVITY

BONG REVILLA

CEDRIC LEE

DA POSSESSED

HESUS

HOLY LAND

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with