^

PSN Showbiz

Walang tigil sa kapapa-interview: GF ni James nabuwisit sa sobrang pagka-showbiz ng basketbolista; Ex desperado na, Raymart naaawa nasa pinagsasasabi ni Claudin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK : Pinagbawalan nga kaya si James Yap ng girlfriend niyang si Michela Cazzola na magpa-interview?

May nakarating na kuwento sa aming naasiwa na raw ang Italyanang girlfriend ng basketbolista sa kapapa-interview ni James at lagi na lang ito sa mga showbiz news kaya kahit anong kulit namin kay James ngayon, tumatanggi na itong magpa-interview.

PAK: Pinagtawanan si actor na kapangalan ang isang sikat na singer nang napasama ito sa isang outreach program ng isang TV network sa Kabisayaan.

Hindi na kasi ganun kasikat si actor pero ang drama, nagtatago ito sa mga tao na parang natatakot na pagkaguluhan siya.

Pagdating pa lang ng airport, naka-jacket itong may hood at naka-sumbrero pa with matching shades.

Tuloy pinagkaguluhan ang isang TV host, dedma sa kanya ang mga tao dahil hindi siya nakilala.

Pinagsabihan si actor na tanggalin na ang hood niya at shades pagdating ng stage para makita naman ang mukha niya, pero ayaw talaga.

Hindi nila alam kung merong itinatago sa mukha nito o ‘yun lang talaga ang drama niya. Kaya tuloy, hindi na talaga siya nakilala hanggang sa nakabalik ng Maynila.

Sabi naman ng isa sa production staff, kahit naman daw tanggalin pa ang hood nito at ibalandra ang pagmumukha nito sa mga tao, hindi pa rin daw siya makilala dahil hindi na siya kasikatan.

BOOM: Ayaw nang magkomento ni Raymart Santiago tungkol sa mga huling isyu ni Claudine Barretto na may nagtangkang maglason daw sa kanya at sa mga anak nila.

Sa tweet ni Claudine, dinadamay pa si Raymart pero dinededma na lang ng aktor dahil hindi na raw siya nagulat sa mga pinanggagawa ng da­ting asawa. Wala naman daw naniniwala na kaya niyang lasunin ang mga anak niya.

Ayaw na lang daw niyang magsalita dahil naawa na lang daw siya kay Claudine. Sa tono ng mga sagot nito, parang desperado na ang dating asawa kaya kung anu-ano na lang ang ginagawa.

Kaya hindi na lang daw siya magsalita at wala na rin siyang balak patulan pa ang mga ibinibintang sa kanya ni Claudine.

vuukle comment

AYAW

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAW

JAMES YAP

KAYA

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with