^

PSN Showbiz

Aliwan Fiesta may pa-photo competition

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatawagan ang lahat ng amateur at professional photographer!

Naglunsad muli ng photo competition ang Manila Broadcasting Company kaugnay ng pagtatanghal ng Aliwan Fiesta  taong ito.

Maaring gumamit ng digital o film-based na kamera.  Ilagay sa 8R size ang mga lahok na de-kolor.  Dapat kuha ang litrato sa araw ng labanan, at hindi pa nagwagi sa ibang kumpetisyon, ni lumabas sa anumang babasahin. Lakipan ng entry form na maaring ma-down­load sa  www.aliwanfiesta.com.ph, kasama ng iba pa’ng detalye ukol sa kumpetisyon.  Dalhin sa tanggapan ng MBC bago mag ika-2 ng Mayo.

Mayroon ding kategorya para sa gumagamit ng Camfone o Tablet sa pagkuha ng mga selfie o barkadahan shot kasama ng mga kalahok na festival contingents sa Ali­wan Fiesta grand parade na gaganapin sa ika-26 ng Abril. Dapat i-post ang mga entry sa official Facebook page ng Aliwan Fiesta.  Ang kuha na may pinakamaraming likes bago mag-May 4 ang mananalo.

Sa digital o film-based category, P50,000 ang nakalaan sa magwawa­gi, P25,000 sa ikalawang puwesto, at P10,000 sa third prize. Sa Camfone o Tablet naman, tig-limang libo ang ma­ka­kamit ng may pinakamaraming Likes na selfie o barkadahan shot. Lahat ng mga litrato ay magiging pag-aari ng MBC.

vuukle comment

ABRIL

ALI

ALIWAN FIESTA

CAMFONE

DALHIN

DAPAT

FACEBOOK

MANILA BROADCASTING COMPANY

SA CAMFONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with