^

PSN Showbiz

Ryzza Mae wala nang pag-asang tumangkad

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kasuwerteng bata nitong si Ryzza Mae Dizon!  In a span of two years ay sikat na sikat na siya, may sariling bahay at nakapag-travel na rin siya abroad (Canada). Narating na rin niya ang pinapangarap na marating ng marami, ang Niagara Falls na matatagpuan sa border ng Amerika at Canada.

Kung si Aiza Seguerra ay produkto ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga, ganundin naman si Ryzza Mae na kinu-consider ngayong child superstar.

Sa edad na walo (turning 9 this year), malabo nang tumangkad pa si Ryzza Mae na isa sa mga pinagkaguluhan sa Toronto, Canada nang dumayo sa nasabing lugar ang Dabarkads ng Eat Bulaga. Pinangunahan ito nina Tito, Vic, & Joey, ang halagi ng longest-running noontime show.

Mariel di pa rin pasok sa PBB

Lumutang ang balita na babalik sa bakuran ng ABS-CBN lalo na bilang isa sa mga hosts ng reality show na Pinoy Big Brother ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez. Pero mukhang hindi pa ito kla­ro dahil minus Mariel pa rin ang mga hosts ng ika-limang edisyon ng local franchise ng hit rea­lity show na tatawagin this year as PBB All In na ihu-host pa rin ni Toni Gonzaga with Bian­ca Gonza­les, John Prats, at Robi Domingo. Matagal-tagal na pa­nahon na ring nabuwag ang troika nina Toni, Bianca, at Mariel na nangyari nang lumipat sa TV5 ang huli to join Willie Revillame’s now-defunct daily noontime show. Meron ding gap hanggang ngayon ang (dating) magkaibigang Toni at Mariel.

Pacman uhaw pa sa panalo

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagbubunyi ang sambayanang Pilipino sa bagong panalo ng People’s Champ na si Rep. Manny ‘Pacman’ Pacquiao laban kay Timothy Bradley, Jr. sa kanilang pangalawang laban.

Kung ang ina at misis lamang ni Pacman ang masusunod, gusto nina Aling Dionisia at Jinkee Pacquiao na magretiro na ang Pinoy boxing hero dahil wala na umano itong kailangang patunayan pa.  Pero uhaw pa rin si Pacman na muling makasagupa sa ikalimang pagkakataon si Juan Manuel Marquez at ang mailap na boxing champ na si Floyd Mayweather.  

Dalawang anak ni Edu hindi nasisilaw sa showbiz

Parehong star material ang dalawa pang anak ng TV host-actor na si Edu Manzano (sa kanyang non-showbiz ex-GF na si Rina Samson) na sina Addie at Enzo Manzano pero parehong walang hilig ang dalawa sa showbiz (maybe for now).  Although parehong sikat sa showbiz ang ka­nilang amang si Edu at half-brother na si Luis Man­zano, lukewarm sina Addie at Enzo sa kaway ng showbiz. Unti-un­ti namang nakikilala ng publiko si Addie dahil isa ito sa tatlong bagong ce­le­brity endorsers na ni-launched ng Bench for their Bench Whitening Lotion pro­ducts along with Do­minique Co­juangco (anak nina Gret­chen Barretto at bu­sinessman na si Tonyboy Cojuangco) at Samantha Rodriguez (anak ng yumaong aktor na si Miguel Rodriguez). 

Sayang…

Sayang, Salve A. at hindi namin inabutan ang Sakura (Cherry Blossoms) season ng Japan nang bumiyahe kami roon para dumalo sa graduation rites ng daughter kong si Aila Marie last March 18 sa Kwansei Gakuin University in Nishinomiya City kung saan siya nagtapos ng double-degree course in Business Management at International Studies. Last week of March at first week of April ang full bloom ng cherry blossoms in Japan.

vuukle comment

ADDIE

AILA MARIE

EAT BULAGA

MARIEL

PACMAN

RYZZA MAE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with