^

PSN Showbiz

Pacman ayaw nang pag-usapan ang BIR!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Magaling na aktres mas piniling makasama ang aktor na kinababaliwan kaysa mag-pictorial

PIK: Ngayong Biyernes Santo na raw ang balik ni Manny Pacquiao at siguradong pinaghahandaan na ang Hero’s Welcome para sa kanya.

Ang dinig namin, dederetso ng Gen. Santos City si Pacman para makasama ang pamilya niya lalo na si Jinkee na malapit nang manganak.

Sa pagbabalik ng ating Pambansang Kamao, inaasahang sasagutin na nito ang isyu niya sa BIR na pinaaalahanan daw ng BIR Commissioner Kim Henares ang pag-file ng kanyang ITR.

Ang daming interview kay Pacman na lumabas sa malalaking TV network, pero hindi siya natanong tungkol sa isyu niya sa BIR.

Iniiwasan na raw ni Pacman na pag-usapan pa ito. Hindi naman daw siya nagkulang sa responsibilidad niya sa pagbayad ng buwis.

PAK: Break na raw sina Kris Bernal at Carl Guevarra?

Ewan ko kung sasagutin nila ang naturang isyu dahil hindi naman sila umaming naging sila.

Kapansin-pansin ang mga ipinu-post sa Instagram account ng kampo ni Carl na mukhang si Kris ang pinatatamaan.

Si Kris naman daw ay inaamin sa mga close friends niya at katrabaho na break na nga sila ni Carl.

BOOM: Dinedma ng magaling na aktres ang naka-schedule niyang pictorial dahil ayaw niyang iwan si magaling na aktor na mukhang nakadebelopan na nito.

Magkasama sila sa isang project na nag-shooting out of town. Mukhang doon sila nagkabelopan, dahil ilang araw ding sila lang ang magkasama sa isang isla na pinagsyutingan nila.

Dapat ay tapos na si magaling na aktres dahil may schedule siyang pictorial, pero hindi siya bumalik ng Maynila at dinedma ang pictorial.

Sabi ni aktres, hindi naman daw siya bida sa proyektong iyun kaya puwede naman daw kumuha sa mga file photos niya.

Mas type niyang magpaiwan dahil hindi pa tapos si magaling na aktor.

Magkasama silang bumalik ng Maynila pagkatapos ng shoot ni aktor.

vuukle comment

CARL GUEVARRA

COMMISSIONER KIM HENARES

KRIS BERNAL

MAGKASAMA

MAYNILA

NGAYONG BIYERNES SANTO

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO

SANTOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with