^

PSN Showbiz

Deniece takot makulong, nagbayad ng piyansa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Safe na si Deniece Cornejo dahil hindi na siya darakpin ng mga may kapangyarihan.

Nag-post  kahapon ng bail si Deniece sa Taguig Metropolitan Trial Court para sa grave coercion na demanda sa kanya ni Vhong Navarro. Half-day lamang pasok kahapon ng mga empleyado ng korte dahil Holy Wednesday pero nakahabol pa si Deniece sa pagpipiyansa or else, puwede siyang dakpin at ikulong anumang araw at oras.

At kapag nangyari ‘yon, sa Lunes pa makalalabas ng kulungan si Deniece dahil sa long holiday.

May problema pa si Deniece at mas malaki ito, ang ilalabas na warrant of arrest para naman sa serious illegal detention case. Non-bailable ang kaso kaya siguradong makukulong si Deniece at ang ibang mga akusado sa pambubugbog kay Vhong noong January 22.

Hindi pa nagpapakita ang magkapatid na Cedric at Bernice Lee na may mga warrant of arrest din dahil sa grave coercion case.

I’m sure, nawiwindang si Bernice sa biglang pagbabago ng takbo ng buhay niya. Imagine, sa isang iglap, naging wanted siya ng batas dahil sa pagkakasangkot sa pananakit kay Vhong.

Hindi pa naman yata sanay si Bernice na masangkot sa mga nakakaloka na eskandalo at kontrobersya. Nakaka-torture ang mga pangyayari para sa isang kagaya niya na tahimik na namumuhay pero biglang nakasali sa isang eskandalo na talagang pinagpi­pistahan ng buong bayan.

Aktres nasobrahan ng yabang, nagpapanggap na malalim

Alam kaya ng isang aktres na nega ang kanyang image dahil feeling so intelligent ang drama niya?

Turn off sa aktres ang fans dahil feeling know it all siya. True na matalino siya at may college degree pero ayaw ng fans ang drama ng aktres na ipinararamdam nito sa kanila ang kanyang kiyeme-kiyemeng talino na hindi matatawaran.

Feeling sikat na ang aktres dahil pinag-usapan ang kanyang teleserye  pero  wala siyang karapatan na solohin ang credit dahil mas magaling ang leading man niya. Sa totoo lang, one of those lang ang aktres sa teleserye na matagal nang nagbabu sa ere.

Masyadong bilib sa sarili ang aktres. May dapat mag-remind sa kanya na turn off sa kayabangan niya ang televiewers na hate na hate ang mga artista na nagpapanggap na malalim.

James at Nadine may kasunod na agad na pelikula

Mama Salve, how true na pagkatapos ng s­uccess sa box office ng Diary ng Panget, bibigyan uli ng Viva Films ng bagong pelikula ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre?

Totoo rin ba na walang balak si Boss Vic del Rosario na palabasin sa mga teleserye sina James at Nadine dahil gusto niya na mag-concentrate muna ang dalawa sa paggawa ng pelikula?

Boss Vic is Boss Vic. Tried and tested na ang pagiging star builder ng big boss ng Viva Group of Companies kaya sure ako na may big plans siya para sa mga bagong goldmine ng kanyang movie outfit.

Mula nang ipalabas sa mga sinehan ang Diary ng Panget, marami ang inquiries na natatanggap ng Viva para kina James at Nadine pero hindi nagmamadali si Boss Vic. May career plan siya para sa mga contract star niya na biglang sumikat dahil sa Diary ng Panget na patuloy na pinipilahan sa mga sinehan.

At dahil blockbuster ang pelikula, hoping ako na magpapatawag ng victory at thanksgiving party ang Viva Films.

vuukle comment

AKTRES

BERNICE

BOSS VIC

DAHIL

DENIECE

NADINE

PANGET

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with