^

PSN Showbiz

Deniece at Cedric, nagtatago na?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bago nagsimula ang bakasyon sa Semana Santa, nagsimula nang mag-taping ang bagong drama series ni Dingdong Dantes na Dalawang Mrs. Real.

Kasama ni Dingdong sa first taping day ang Diamond star na si Maricel Soriano.

Wala pa si Lovi Poe dahil nasa bakasyon pa ito sa Europe kasama si Rocco Nacino.

Baka sa ibang bansa raw mag-Holy Week vacation si Dingdong kasama si Marian Rivera.

PAK: Katakut-takot na panlalait ang inabot ni Sam Concepcion na special guest sa nakaraang Arise concert ni Gary Valenciano.

Sa unang gabi ng concert ni Gary, parang Peter Pan na parang hiniram kay Vice Ganda ang suot nito.

Maaring marami ang nagsabi sa kanya, kaya sa pangalawang gabi nagpalit daw ito ng suot at hindi mala-Vice Ganda ang look nung gabing iyun.

Kaya lang naka-shades naman daw ito na hindi bumagay sa kanya.

BOOM: Hindi raw alam ng mga abogado nina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at mga kasamahan nila kung nasaan sila.

Sabi naman ni Atty. Howard Calleja, may komunikasyon siya sa mga kliyente niya, pero hindi naman daw nila tatakasan itong mga kasong isinampa sa kanila.

Napag-alamang nagpa-book si Cedric ng flight patungong Dubai, pero kinansel naman daw niya ito.

 â€˜Yung isang kinasuhan na si Ferdinand Guerrero ay nasita sa NAIA nung aalis na sana ito patungong Hong Kong. Kaya hindi na nito tinuloy ang pag-alis.

As of presstime, ang kasong Grave Coercion pa lang naman ang may warrant of arrest, kaya makpagpiyansa pa sila.

Ang kasong Serious Illegal Detention ang may kabigatan dahil n­on-bai

la­ble ito.

 

vuukle comment

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DINGDONG DANTES

FERDINAND GUERRERO

GARY VALENCIANO

GRAVE COERCION

HOLY WEEK

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with