^

PSN Showbiz

Julia aminadong pasan-pasan ang buong pamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa murang edad ay naging breadwinner na si Julia Montes para sa kanyang pamilya. Hindi raw ito naging madali para sa aktres. “Aminado ako na umabot ako sa point na sabi ko, ‘Bakit ako? Ilang taon pa lang ako. Gusto ko lang maglaro, gusto ko lang mag-aral,’” bungad ni Julia. Iniisip na lamang daw ng aktres na ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa ikabubuti ng kanyang buong pamilya.

Nagpapakatatag si Julia para sa kanyang mga mahal sa buhay. “Ayokong maapektuhan sila. Ang tingin nila sa ‘kin, ako ‘yung strong sa family. ‘Pag nagpakita ako ng weakness, mawawalan sila ng loob. Ayokong maramdaman nila ‘yun. Ako lang talaga ‘yung kailangang maging strong, ako ang sandalan nila. ‘Pag ako bumigay, lahat kami guguho. Kailangan poste ako. Siguro sa akin ‘to binigay ni Lord kasi sa family namin, ako may kaya. Kinakaya ko and kakayanin ko dapat for my family,” paliwanag ni Julia.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga dahil sa kanyang trabaho ay nabigyan niya ng magandang buhay ang pamilya. “Dati iisipin pa namin kung saan naming kukunin ‘yung pang-tuition, saan namin kukunin ‘yung pang-araw-araw naming pagkain. Ngayon, stable na ‘yung future ng mga kapatid ko at ng family ko,” pagtatapos ng aktres.

Mababasa ang buong pahayag ni Julia sa Summer issue ng Chalk Magazine ngayong buwan.

 

Ejay pumiyok na sa relasyon nila ni Vice

Naging malapit sa isa’t isa sina Vice Ganda at Ejay Falcon mula nang magkasama sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy noong isang taon. Nagkasama rin sa ilang shows sa ibang bansa kamakailan ang dalawa kaya napabalitang may espesyal na raw na namamagitan kina Vice at Ejay. “Wala akong iniisip kasi wala naman kaming ginagawa ‘di ba? Nalulungkot lang ako minsan kasi feeling ko, nalulungkot ako sa sinasabi nilang kaya ako nakasama dahil ni-request ni Vice, ‘yung parang dahil gusto ni Vice. Minsan nakalulungkot din, kasi iniisip nila hindi ka nakakasama dahil sa talent mo, kung ano ka. Hindi naman ako napipikon sa mga sinasabi nila kasi wala namang katotohanan. Saka si Vice naman siguro sinama niya ako do’n kasi kailangan ako do’n sa show ‘di ba? Kailangan ako do’n sa show and nagkataon na ako ang available and pinagpapasalamat ko sa kanya ‘yon,” paliwanag ni Ejay.

Nakaranas din ng pangba-bash online ang aktor dahil sa isyung pag-uugnay sa kanila ng komed­yante. “Dedma lang kasi ‘pagpinatulan mo, mas lalong lalaki ‘di ba? At saka hindi ako napipikon eh. Hangga’t hindi ako napipikon, hindi ko sasagutin. Parang deadma lang kasi alam naman natin ‘yung totoo,” giit ng binata. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

AYOKONG

CHALK MAGAZINE

EJAY

EJAY FALCON

JULIA

JULIA MONTES

KAILANGAN

KASI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with