^

PSN Showbiz

LT abalang-abala sa bookings ng bagong negosyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde ginanap ang party ni Tirso Cruz III na ima-manage ng Heads and Hearts na kinabibilangan nina Lyn Cruz (wife ni Pip), Maritess Gutierrez, at Lorna Tolentino. Malaki at maganda ang lugar na 200 to 250 ang capacity at, higit sa lahat, malapit pa.

Sabi ni LT, marami na silang bookings at ito muna ang pagka­kaabalahan niya habang wala pa siyang show sa GMA 7. Plano rin ng Heads and Hearts na ga­wing bistro ang dating coffee shop sa harap ng Va­lencia na venue ng mga presscon dati ng Regal En­tertain­ment, Inc. Sabi ni Maritess, 38 Degrees ang itatawag nila sa bistro.

Masaya ang party at masaya si Pip dahil nagdatingan ang mga kaibigan at kasama si Mother Lily sa nag-entertain. Humabol si Manila Mayor Joseph Estrada na kausap sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Sabi ni Pip sa kanyang speech, “It feels good to be loved. I feel blessed and loved.” Lalong sumaya ang party nang kumanta sina Pip, Christopher de Leon, Mark Gil, Michael de Mesa, Ana Feleo, Dulce, at Eddie.

Mayor Herbert at Derek inaabangan sa birthday ni Bimby

Mamayang gabi isi-celebrate ni James “Bimby” Aquino Yap, Jr. ang kanyang 7th birthday with a party sa five-star hotel sa Alabang, ang Bellevue Hotel. Sa April 19 ang actual birthday ng sikat na bata, ini-advance ang party ni Bimby dahil Black Saturday pumatak ang birthday nito.

Share sa gastos sa party ng anak sina Kris Aqui­no at James Yap at inimbita ng una ang girlfriend ng basketbolista na si Michela Cazzola. Hin­di lang ang pagdating ni James ang hihintayin ng mga bisitang darating.

Hihintayin din ng mga bisita kung imbitado ang bagong boyfriend ni Kris na dahil wala pang con­firma­tion ay kanya-kanyang hula ang followers ng TV host-actress. Sino kaya kina Quezon City Mayor Herbert Bau­tista at De­rek Ramsay ang dumating?

Isabelle sunud-sunod ang pelikula

Humahataw sa paggawa ng pelikula si Isabelle Daza, sunud-sunod ang movies nito at sa talents ni Leo Dominguez ay siya ang may pinakamaraming pelikula. Ginagawa ni Isabelle ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 under Agosto Dos Productions ni Dingdong Dantes at Reality Entertainment. Si Erik Matti ang direktor ng horror movie.

Tinatapos din ni Isabelle ang Some­body to Love sa Regal Entertain­ment sa direction ni Joey Reyes at kasama niya sina Iza Calzado, Matteo Guidicelli, at Carla Abellana.

Hindi pa man tapos ang dalawang pelikula, may naka-line up ng bagong movie assignment si Isabelle. Siya ang bida ng Bampira na co-produced ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Regal. Ang baguhang si Borgy Torre, pamangkin ni Joel Torre ang magdidirehe ng movie. Si Borgy din ang director ng indie film na Kabisera na pinagbidahan din ni Joel.

Rak of Aegis may repeat agad

Kaa-announce palang na may repeat ang Rak of Aegis, marami na ang gustong manood at marami na ang nanghihingi ng complimentary tickets kay Noel Ferrer na isa sa mga sponsor ng super hit na original Pinoy musicale.

Sa PETA pa rin mapapanood ang Rak of Aegis at sabi ni Noel ay may dagdag na new songs ng Aegis na pinagbasehan ng play, “fresher mounting” ang tawag niya sa opening weekend sa June 20, 21, and 22. Very, very special din daw ang opening weekend!

Ang payo namin sa gustong manood ng Rak of Aegis, bumili na kayo ng tiket at ’wag nang maghintay ng complimentary dahil baka maubusan pa kayo!

 

vuukle comment

AGOSTO DOS PRODUCTIONS

ANA FELEO

ANNABELLE RAMA

BIMBY

HEADS AND HEARTS

RAK OF AEGIS

REALITY ENTERTAINMENT

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with