^

PSN Showbiz

Gretchen consistent ang pagtataray ‘pag tinatanong tungkol sa problema ng pamilya; Iba na ang takbo ng utak, paulit-ulit ang sinasagot, hunk actor parang may

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isang masayang welcome production number ang inihanda ng Sunday All Stars (SAS) sa pagbabalik ni Sarah Lahbati sa Kapuso Network.

Tingnan na rin natin kung ano ang unang programang gagawin ni Sarah sa GMA 7. Hindi nga lang magandang ideya ang paggawa niya ng drama series sa TV5. Para ano pa?

PAK: May katarayan ang mga pahayag ni Gretchen Barretto nang nakausap ito ng Startalk sa launch ng anak niyang si Dominique Cojuangco bilang isa sa mga endorser ng Bench Whitening Lotion.

Nabanggit ang matagal nang isyu ng pamilya niya, ayaw na niyang sagutin dahil ilang beses na raw siyang nagsalita tungkol doon.

Pakli ng aktres, “To deal on negative things, what will we achieve?

Sinundan ito ng tanong tungkol sa posibleng pagkakaayos ng pamilya, matalas ang sagot nito na, “I don’t really want to talk about it. I hope you respect me and I’ve said it many times. If you want to talk about it just to get ratings I will not give it to you. I’ve spoken, I’ve said my piece…why try make me talk and make people miserable just for you to rate? I am happy. Don’t make me unhappy.”

Masaya raw siya at proud siya sa panibagong achievement ng kanyang anak na nag-endorse ng Bench Whitening Lotion kasama ang anak ng nasirang Miguel Rodriguez na si Sam Rodriguez at ang anak ni Edu Manzano na si Addi Manzano.

BOOM: Nakakalungkot ang sinapit nitong kilalang hunk at guwapong aktor dahil marami ang nakapansin na parang iba na ang takbo ng isip nito.

Kapag kinakausap raw ay hindi mo maintindihan ang mga sinasabi.

Kahit paulit-ulit mo siya tinatanong, ganun pa rin ang sagot na hindi talaga maintindihan ang mga pinagsasabi ng aktor.

Ang balak daw yata ay isali si aktor sa isang reality show. Kaya lang ang inaalala ay baka roon lalong makita ang kakaibang attitude nito ngayon.

Isang malaking good luck!

vuukle comment

ADDI MANZANO

BENCH WHITENING LOTION

DOMINIQUE COJUANGCO

EDU MANZANO

GRETCHEN BARRETTO

ISANG

KAPUSO NETWORK

MIGUEL RODRIGUEZ

SAM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with