^

PSN Showbiz

Kapamilya stars pumayag maging photog sa summer station ID

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasalubungin ng ASAP 19 ang summer season na hitik sa sizzling performances at mga pasabog ngayong Linggo (Marso 30) kabilang na ang launch ng pinakaaabangang summer station ID ng ABS-CBN tampok ang theme song nitong PINASmile.

Layunin ng station ID, na inawit at binigyang buhay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na ilabas at mahuli sa camera ang totoong kaligayahan mula sa simpleng mga mamamayan. Mismong Kapamilya stars at news personalities ang nagsilbing tagakuha ng litrato at nag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para masilayan ang hindi matatawarang mga ngiting ito. Naging photographer ang Queen of All Media na si Kris Aquino at nag-selfie pa kasama ang mga babaeng Ivatan sa Batanes, habang nag-ikot ikot naman sa Luneta sina Andi Eigenmann, Bea Alonzo, at Zaijian Jaranilla. Mga ngiti naman ng taga-Mt.Pinatubo ang kinunan ng larawan nina Angelica Panganiban, John Prats, at Zanjoe Marudo.

Tiyak na ikatutuwa rin ng mga manonood ng ASAP ang sunud-sunod na birthday bash mula kina King of the Gil Enrique Gil, primetime princess Julia Montes, teen sweetheart Janella Salvador, at ang Kapamilya leading man na si JC De Vera.

Dadagdag pa ng kinang sa ASAP Fans Day ang Mirabella leading man na si Enrique Gil, at isang espesyal na production number mula sa teen stars na sina Julia Barretto, Mika Dela Cruz, Liza Soberano, Ja­nella, Alexa Ilacad, at Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, Grae Fernandez, at Brace Henry Arquiza ng Gimme 5.

Paliliyabin pa ang ASAP stage ng grand launch ng pinakabagong Kapamilya afternoon serye na Moon of Desire kasama ang mga bidang sina Meg Imperial, JC, Miko Raval, Dominic Roque, at Ellen Adarna, pinakabagong album ng Star Cinema para sa 20th anniversary celebration nito, at ng debut album ni Maja Salvador na Believe.

Humanda rin para sa isang swabeng OPM rap session kasama sina Abra, Paolo Valenciano, Kian Cipriano, at Tutti Caringal, maki-jam sa mga kanta ng ASAP Sessionistas kasama sina Juris, Richard Poon, at Jay Durias ng Southborder, at mahumaling sa de-kalibreng vocal performances mula kina Martin Nievera, Erik Santos, Jed Ma­dela, Yeng Constantino, Angeline Quinto, and Sarah Geronimo.

Samantala, mamangha sa makapanindig-balahibong dance moves sa Supahdance kasama sina Sam Milby, Kim Chiu, Shaina Magdayao, Nikki Gil, Iya Villania, Iza Calzado, Rayver Cruz, John Prats, at Cristine Reyes.  

Tunghayan din ang concert teaser performance mula kina Angeline, Morisette, at Klarisse ng ASAP HD kasama ang nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

James Reid and Nadine Lustre, trending sa Yahoo & Twitter, Boss Vic bilib na bilib

Ang lakas sa social media ng mga bida ng pelikulang Diary Ng Panget na sina James Reid and Nadine Lustre. Lagi silang nagte-trending sa Yahoo Philippines.

Maging sa You Tube ay ang lakas ng trailer ng pelikula ng Viva Films at halos nakaka-2 million hits na.

Maging sa Twitter ay hindi nagpapahuli ang pelikula sa pinag-uusapang topic.

At ngayong isang linggo na lang bago ang showing ng pelikula nila sa April 2, mas  tumitindi ang usapan sa social media ng kanilang pelikula. Maging sa Facebook ay mabilis na dumarami ang likes.

Maging ang music video nilang No Erase ay halos kalahating milyon na agad ang nakapanood.

Kaya naman todo ang ginagawang push ng mismong boss ng Viva Films na si Mr. Vic del Rosario sa dalawa. “Nakikita kong sisikat sila. Malaki ang potential nila kaya nga sila ang pinili kong magbida sa pelikula,” sabi ni Boss Vic.  

vuukle comment

ALEXA ILACAD

ANDI EIGENMANN

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINE QUINTO

BOSS VIC

JAMES REID AND NADINE LUSTRE

JOHN PRATS

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with