^

PSN Showbiz

Dahil sa pampaputing sabon pelikulang pagsasamahan sana ni Ruffa at Angelica, aborted!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naudlot ang dapat sana ay pagsasama sa pelikula nina Ruffa Gutierrez at Angelica Panganiban.

Last year pa nakaplano ang pelikulang Hope in a Bottle na iko-co-produce dapat ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at ng Star Cinema at intended ’yon para sa Metro Manila Film Festival 2013 pero hindi nga lang nag-materialize kaagad.

Ngayong Marso naman, nagpasabi si Atty. Joji na tuloy na tuloy na ang pelikula at ang Star Cinema nga ang magri-release no’n.

Dapat ay sina Ruffa at Angelica pa rin, kasama si Angeline Quinto, ang mga bida at kundi sa Mayo ay Hunyo ang playdate no’n at magiging Beauty in a Bottle na ang final title.

Bagay na bagay kay Ruffa ang role sa pelikula na ini-offer sa kanya ni Atty. Joji at obvious na isinulat ang script na ang beauty queen-TV host ang peg ng scriptwriter sa character na dapat ay gagampanan niya.

’Yung character din na gagampanan ni Angelica sa pelikulang iyon ay bagay din sa kanya.

Ang problema nga lang, may bagong endorsement si Ruffa, ang Cosmo Skin Glutathione ng Bargn Farmaceutici nina Niño Bautista at Red Gatus at may conflict iyon sa isang produktong may tie-up sa nabanggit na pelikula.

Sayang nga dahil magandang kausap si Atty. Joji at very smooth nga ang naging negosasyon para sa pelikula.

Nanghinayang din si Ruffa dahil gusto rin naman niya na makatrabaho si Angelica.

May mga nakakaalam nga ng tungkol sa proyekto na excited na dahil hindi nila akalaing puwedeng magsama sina Ruffa at Angelica sa isang pelikula.

Siyempre, may common denominator sina Ruffa at Angelica - si John Lloyd Cruz ’yon - kaya marami ang nag-iisip na hindi papayag ang dalawa na magka­trabaho sa isang proyekto at sana nga ay mapapatunayang mali ‘yon sa pelikulang Beauty in a Bottle pero out na nga sa proyektong ’yon si Ruffa kaya nawala ang chance na magkasama sila ni Angelica sa isang pelikula.

 â€œWho knows baka may ibang project naman na i-offer sa amin at matuloy pa rin na magka-work kami together? Sa akin, walang problema talaga and I think wala rin namang problema kay Angelica. Sayang nga ’yung chance magkatrabaho kami,” say na lang ni Ruffa.

Kung sina Ruffa at John Lloyd nga ay nagkatrabaho uli sa Home Sweetie Home, hindi naman problema kung magkatrabaho rin sina Ruffa at Angelica.

Anyway, sabi nga pala ni Atty. Joji, hahanapan niya ng ibang proyekto si Ruffa na tiyak daw na magugustuhan ng TV host-actress.

vuukle comment

ANGELICA

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINE QUINTO

BARGN FARMACEUTICI

COSMO SKIN GLUTATHIONE

JOJI

RUFFA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with