^

PSN Showbiz

Aktor na sa Kapamilya nagsimula gusto nang mag-leading man sa Kapuso

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama kaya ang tsikang this week na pipirma ng kontrata ang aktor na lilipat sa GMA Network? Dahil two days na lang ang natitira sa linggong ito, kundi this Thursday ay baka bukas na pumirma ng kontrata ang aktor.

Galing sa ABS-CBN ang aktor, doon siya nagsimula at nakilala kaya marami ang nagulat nang malamang lilipat siya sa Kapuso Network. Kung hindi kaya nagpalit ng manager ang aktor, maisipan kaya nitong lumipat sa Channel 7?

Curious kami kung ano ang magiging first project ng aktor sa Channel 7 at kung sino ang mga makakasama. Hihintayin din namin kung matutupad na ang dream ng aktor na maging lead actor sa bago niyang network.

Carla inaabsuwelto si Kylie kay Geoff

Nakakaloka at magkasunod pa pala ang birthdays nina Geoff Eigenmann at Aljur Abrenica na may isyu ngayon dahil kay Kylie Padilla. Mauunang mag-birthday sa Sunday si Geoff at sa Monday ay si Aljur naman.

  May family dinner sa Sunday si Geoff at sabi ni Carla Abellana sa TV interview sa kanya, a-attend siya at ikatutuwa ito ng kanilang fans na umaasang malalampasan ng dalawa ang kanilang problema. Sabi rin ni Carla, hindi si Kylie ang pinag-awayan nila ni Geoff at naging dahilan ng kanilang problema.

Hindi pa rin nagsasalita si Geoff at wala raw itong balak sagutin ang mga pahayag ni Aljur. Teka lang, bakit may nagtsika sa amin na hindi naman pinormahan Si Kylie?

Naku, kailangan na yatang magsalita ng aktres kaya lang nasa Australia ito at sa April 14 pa ang balik.

Shalala dumaranas ng iba’t ibang sakit dahil sa launching film

Nakakatuwa ang interview namin kay Shalala na showing sa April 2 ang launching movie niyang Echoserang Frog. Natuwa siya nang malamang matutuloy na ang launching movie niyang three years pa binalak, nag-enjoy siya sa shooting lalo’t maraming kaibigan ang nag-guest sa movie ng walang talent fee.

Pero ngayong malapit na ang showing nito, na-i-stress siya, nag-i-LBM, hindi makatulog, at nahihilo sa kaiisip. Kinailangan niyang uminom ng gamot para lang makatulog dahil ayaw talaga siyang dalawin ng antok.

Idinadaan na lang sa biro ang sagot sa tanong ng press kung magkano ang ini-expect niyang box-office gross nito. Happy na raw siya sa P400M pero ang totoo ay okay na sa kanya ang P1M total gross.

Hindi pumayag ang director nitong si Joven Tan at ang producer na Scenema Concept Inter­na­tional Presentation. Sana raw mas kumita pa ang mo­vie para may kasunod pang project si Sha­lala. Bongga nga dahil may premiere night ang Echoserang Frog sa March 31 sa Fisher Mall sa Quezon City.

Gusto naming maging successful ang movie ni Shalala para patuloy niyang matulungan ang pa­milya. Mayroon na siyang tindahan ng itlog, nakapagpatayo na rin ng mini-grocery. Ang next project ay ang makabili ng se­cond hand L-300 para ma­gamit sa pagbili ng mga itlog sa Batangas.

Kaye ipinagtanggol ni Chito

Nakakaaliw ang description ni Kaye Abad sa role niya sa Annaliza na “pokpok na kontrabida dahil naanakan siya ng lahat ng lalaki sa soap.” Sabi pa nito, nahirapan siya noong una na gampanan ang kanyang role pero nasanay din siya at hindi na nahirapang saktan si Andrea Brillantes.

Biro pa ni Kaye, hanggang sa pag-uwi at sa ba­hay nila ay nadadala niya ang karakter ni Stella Ce­lerez-Querubin.

Samantala, sa presscon, ang tungkol sa breakup nina Kaye at Guji Lorenzana ang napag-usapan, hindi siya natanong sa isyung inakusahan siyang nang­gugulo sa relasyon ng ex niyang si Chito Miranda kay Neri Naig.

Dahil ito sa pagpo-post niya sa Instagram ng picture nila ni Chito na nakaakbay pa sa kanya. Mabuti na lang at ipinagtanggol siya ni Chito sa mga basher. Actually, sila ni Neri ang ipinagtanggol ni Chito.

Gabby na-miss maging psycho

The last time na nakausap namin si Gabby Eigenmann sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw, nabanggit na miss na niyang gumanap na kontrabida dahil sa dalawang magkasunod niyang soap sa GMA 7, puro mabait ang kanyang role.

Ayan, pinagbigyan siya ng Channel 7 dahil sa Magpakailanman sa Saturday sa episode na My Psychotic Husband Story, isang psychotic ang role niya at husband ni Lovi Poe. Sa husay umarte ni Gabby, tiyak na magagalit ang viewers sa kanya.

Sa direction ni Maryo J. delos Reyes, kasama rin sa cast si Alessandra de Rossi at reunion nila ito ni Lovi after Legacy.

vuukle comment

CHITO

DAHIL

ECHOSERANG FROG

GEOFF

NIYANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with