PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Iza leading lady na ni Piolo sa TV

Habang patuloy pa ring palabas sa maraming sinehan ang mega hit movie na Starting Over Again na tinatampukan nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Iza Calzado na pinamahalaan ng premyadong director na si Olive Lamasan, masaya namang ibinalita ang pagsasama sa isang teleserye nina Piolo at Iza na makakasama rin si Nikki Gil at siyang bubuo ng love triangle. Kung si Iza ang ka-love triangle nina Piolo at Toni sa Starting Over Again, sa bago nilang te­le­seryeng pinamagatang Hawak Kamay ay si Iza ang love interest ni Papa P.

Sanay na si Iza na gumanap na second female lead pero sa bago nilang sisimulang teleserye ni Piolo ay siya na ang kapareha. Tuwang-tuwa siyempre si Iza dahil kung dalawang beses na silang nagkatrabaho ng aktor sa movie (Milan at Starting Over Again), first ime naman nilang magkakatambal sa isang teleserye at naunahan pa niya si Toni na may tumatakbong weekly sitcom with John Lloyd Cruz, ang My Sweetie Home.

Overwhelmed si Iza sa magandang takbo ng kanyang career ngayon. She’s currently hosting Biggest Loser: Pinoy Edition Doubles at isa na rin siya sa mga host ng It’s Showtime. Sunud-sunod din ang product endorsements na dumarating sa kanya.

 

PMPC nakukuwestiyon sa kredibilidad

Naku-question na naman ang kredibilidad ng Phi­lippine Movie Press Club (PMPC) na pinamumunuan ngayon bilang president ni Fernan de Guzman dahil sa exposé ni Jobert Sucaldito na nagkaroon umano ng bayaran among the majority members ng organization para sa siguradong panalo bilang best actor ni Laguna Gov. ER Ejercito bilang best actor sa pelikulang Boy Golden: Shoot to Kill sa nakaraang Star Awards for Movies na ginanap sa Solaire Hotel & Casino.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Wala umanong alam si Gov. ER sa ginawang pagla-lobby ng kanyang publicist na si Jobert na sa kanya mapunta ang best actor trophy kung saan si Vice Ganda ang pinaboran ng mga voting member.

Inamin din ni Jobert na si Joel Torre umano dapat ang mananalong best actor dahil sa husay na ipinamalas nito sa pelikulang On the Job. Ini-expose rin ni Jobert na isang voting member ng PMPC ang “nagbayad” para lamang masigurado na si Vice Ganda ang manalong best actor.

Dahil kampante si Jobert na ang alaga niyang si Gov. ER ang papaboran sa best actor trophy, pumalag siya dahil si Vice Ganda ang itinanghal.

Dahil sa exposé ni Jobert, kailangang ito’y sagutin at maglabas ng official statement ang pamunuan ng PMPC na nalalagay ngayon sa alanganin at nakukuwestiyon ang kredibilidad.

 

ASAP masayang-masaya sa engagement ni Yeng

January 2013 nang officially maging mag-on ang magkasintahang Yeng Constantino at Victor “Yan” Asuncion at nung Marso 8 ay sinorpresa si Yeng ng marriage proposal na labis na ikinagulat ng pop rock princess pero ito’y kanyang masayang tinanggap.

Kahit mahigit isang taon pa lamang silang magkasintahan, decided na si Yan na si Yeng na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Ngayong engaged to be married na ang dalawa, pagpaplanuhan na nila ang kanilang kasal na malamang mangyari na sa loob ng taong ito.

Masayang-masaya ang ASAP family ni Yeng sa ginawang formal announcement ng kanilang engagement.

 

Onyok mabigat ang buwelta kay Rosanna

Paano kaya tinanggap ni Rosanna Roces ang personal na akusasyon sa kanya ng bunso niyang anak na si Dennis “Onyok” Adriano nang ito’y mag-guest sa Startalk last Sunday? Mabibigat ang akusasyon na binitawan ni Onyok laban sa kanyang ina.

Kung may family feud na namamagitan sa Barretto family, mukhang hindi maiiwasang magkaroon ng matinding giyera sa pagitan ng mag-inang Rosanna at Onyok. Tiyak na hindi palalampasin ni Rosanna ang mga paratang sa kanya ng anak.

         

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: