^

PSN Showbiz

Robi, maglalakwatsa sa Hokkaido, Japan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalakbayin ng Kapamilya host at TV perso­nality na si Robi Domingo ang winter wonderland ng Hokkaido, Japan at tutuklasin ang iba’t ibang pasyalan at libangang matatagpuan sa mala-paraisong islang ito sa espesyal na dokumentaryong Lakwatsero sa Hokkaido ngayong Linggo (Feb 23) sa ABS-CBN Sunday’s Best.

Kilala man ng ilang Pinoy ang Hokkaido bilang isang brand ng de lata, iilang Pinoy pa lang ang nakakapunta rito. Sa katunayan, halos 1,200 na Pinoy lang ang nakatira sa pinakahilagang isla ng Japan.

Samahan si Robi sa kanyang paglalaro sa mala-pulbos na niyebe, pangingisda sa nag­yeyelong Lake Shinotsu, at mapangahas na pag-akyat sa Mt. Asahidake, ang pinakamataas na bundok sa Hokkaido, para mag-selfie sa tuktok nito. Sabayan din siyang matuto na mag-snowboard sa isa sa mga popular na ski resort sa Hokkaido, at tikman ang masasarap at sariwang seafood, lamb dishes, at ramen doon.

Huwag palampasin ang Hokkaido adventure ni Robi Domingo ngayong Linggo (Feb 23) sa ABS-CBN Sunday’s Best, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice. Ang Lakwatsero sa Hokkaido ay isang co-production ng ABS-CBN Integrated News at ng Sapporo-Hokkaido Contents Stra­tegy Organization (SHOCS) ng Japan.

vuukle comment

ANG LAKWATSERO

FEB

GANDANG GABI VICE

HOKKAIDO

INTEGRATED NEWS

LAKE SHINOTSU

LINGGO

PINOY

ROBI DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with