PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bobsie ni Rufa Mae nag-hello sa kanyang concert

May balitang nagkaroon ng wardrobe malfunction si Rufa Mae Quinto sa show nila ni Gladys Guevarra sa Music Museum last February 12 billed No Husband No Lover. Natanggal daw ang pang-itaas na suot ni Rufa Mae habang may number ito, kaya lumabas ang right boobs.

Kahit gumamit ng nipplet si Rufa Mae, nasilayan pa rin ng audience ang kanyang boobsie at nipple lang yata ang natakpan. Sabi, sa gulat ng audience sa nangyari, walang nakapag-react, nakatingin lang sila sa komed­yana.

Ang iba nga yata, hindi nakita ang paglabas ng right boobs ni Rufa Mae kaya hindi alam kung ano ang ipinag-react ng mga nakakita. Nanghinayang siguro ang hindi nakakita sa wardrobe malfunction ni Rufa Mae.

Kris nagbitbit ng mga kaibigan sa Singapore

Hindi naman pala mag-isa si Kris Aquino na aalis for Singapore para doon mag-celebrate ng kanyang birth­day. Makakasama niya sa pagpun­ta sa Lion City ang mga kaibigang sina Liz Uy at Vice Ganda raw.

Kahapon ang kaarawan ng TV host-actress, pero this Saturday and Sunday ang birthday treat niya sa sarili sa Singapore. Next week, balik-Pilipinas na sila dahil live na uli ang Aquino and Abunda Tonight nina Kris at Boy Abunda.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, mixed ang reactions ng viewers sa show nina Kris at Boy, may suggestions na mag-concentrate sila sa entertainment, meron din naman gusto na pati politics ay kanilang pinag-uusapan. Ang request nila’y dagdagan ng oras ang kanilang show.

Sampal ni Jackie Rice sakto kay Max

Balik sa pagiging kontrabida si Jackie Rice sa Afternoon Prime na Innamorata at dito, si Max Collins ang kanyang aapihin at sasaktan. Sa mga unang eksenang nakunan nilang dalawa, sinampal ni Jackie si Max at totohanang sampal ‘yun dahil ‘yun ang gusto ni Max.

Take one ang eksenang ‘yun dahil sabi ni Jackie, ayaw nilang matsismis na paulit-ulit ang mga eksena nila. Mas maganda na raw masaktan sila kung maganda naman ang kalalabasan.

Hindi problema kung mas matangkad si Max kay Jackie dahil may naisip siyang paraan at ito’y ang magsuot ng high heels at si Max ay naka-flat shoes. Kaya nang kunan ang sampalan scene nila, swak na swak ang face ni Max sa palad ni Jackie.

Hindi mapili sa role si Jackie at ang importante sa kanya’y maganda ang story, mag-i-enjoy siya at may trabaho siya. Totoo palang sa sobrang tuwa na may soap na uli siya, nang malamang kasama siya sa cast ng Innamorata, sumigaw at nagtatalon si Jackie.

Sa February 17, after Villa Quintana magsisimulang umere ang Innamorata sa direction ni Don Michael Perez.

Richard pumayag bumalik sa GMA

Sa April 2, ang playdate ng Overtime, pelikula ni Richard Gutierrez sa GMA Films, katambal si Lauren Young at sa direction ni Wincy Ong. Nag-last shooting day na ang movie at nakapag-pictorial na rin ang cast at malapit nang simulan ang promo.

Ang sabi, matitinding action scenes ang mga ginawa ni Richard at may isang sobra siyang nahirapan dahil isinilid siya sa sako. Wala raw reklamo ang actor at nag-enjoy pa sa mga mahihirap na fight at action scenes na ginawa para mapaganda ang pelikula.

Pumapayag si Richard na mag-guest sa shows ng GMA 7 to promote the movie. Maging daan na rin ba ang pelikula para maayos ang anumang isyu sa pagitan ng aktor at management ng GMA Network dahil sa conflict ni Sarah Lahbati sa network?

Nagpa-interview si Sarah sa Startalk na lalabas bukas, Sunday para ihabol sa promo ng Basement. Hoping to also see Richard guesting in the said show.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: