PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kris lalayasan ang mga anak sa birthday

Birthday ni Kris Aquino bukas, pero wala itong malaking party at kung meron man, dinner lang with her family. In fact, bukas aalis siya for a two-day birthday treat for herself at siya lang mag-isa ang aalis, hindi kasama ang mga anak.

Magre-recharge lang ng ilang araw si Kris dahil pagbalik, magiging busy uli ito sa kanyang Kris TV at Aquino and Abunda Tonight nila ni Boy Abunda.

May mga request pala na gawing 30-minute ang show nina Kris at Boy dahil bitin ang 15 minutes kahit daily. 

Bea nagpasalamat sa bulaklak ni Xian

Nagpadala ng bulaklak si Xian Lim kay Bea Binene noong February 10 at pinost ng aktres sa kanyang Instagram ang bouquet of flowers na may kasamang note. Hindi na na-share ni Bea kung ano ang nasa sulat ni Xian at kinumpirma ng fans ng aktor na sulat kamay niya ‘yun dahil ganu’n din ang penmanship sa mga note kay Kim Chiu. 

Sa simula palang ng isyu, nagpahayag na si Bea nang hindi pagka-offend sa ginawa ni Xian at nagpasalamat pa na kilala siya at nabanggit ang name niya ng Kapamilya aktor. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagpadala rin si Xian ng flowers kay Charmer Viking, ang look-alike ni Kim na kanyang inokray sa Banana Nite at tinawag na Bea Binene. 

Rafael suki sa Glossy magazines ang GF na Fil-Canadian

Sa madalas na pagbisita sa Instagram ni Rafael Rosell, nalaman din namin ang name ng maganda niyang GF na matagal na naming dini-discover mula nang i-post ng aktor ang picture nilang magkasama. But that time, bukod sa blurred ang picture ng girl, hindi siya pinapangalanan ng aktor.

Finally, nalaman na naming Olivia Medina ang name ng girl na isang Fil-Canadian model. Madalas cover sa mga glossy magazines si Ms. Oli­via at endorser din, kaya kilala na siya lalo na ng mga fashionista.

Sa mga nabasa pa rin naming comments sa IG, aprubado ng followers ni Rafael si Olivia para sa kanya. May nag-suggest pa ngang magpakasal na sila, pero nabanggit ng aktor na matagal pa siyang mag-aasawa dahil marami pang gustong gawin sa buhay at career niya.

Tatapusin pa nito ang bahay na ipinatayo sa may Antipolo for his parents and siblings. Marami pa ring gustong gawing projects si Rafael gaya sa The Borrowed Wife na kakaiba ang tema at ang twist ng story.

Jake ini-announce ang Happy Birthday kay Lovi

Binati sa Twitter ni Jake Cuenca ng happy birthday si Lovi Poe na nag-birthday noong February 11. Dahil sa social media binati ng aktor ang ex-GF, ibig bang sabihin nito, hindi na alam ni Jake ang phone number ni Lovi?

Puwede ring sabihing kaya sa Twitter binati ni Jake si Lovi para hindi na siya tanungin, lalo na ng press kung binati niya ang aktres sa kaarawan nito. Nabasa ng press na nagpa-follow kina Jake at Lovi ang birthday greetings ng una sa huli.

Mga bagets magho-host ng cooking show

Ang gagwapo at gaganda ng seven young student chefs na host ng cooking show na Kitchen Stories na magsisimulang mapanood sa Saturday, February 15, 4:55 p.m. to 5:10 p.m. sa GMA News TV.  

Sina Charles Zabala, James Torres, at JM de Jesus ang hosts ng cooking show plus four girls na hindi namin nakausap. Pare-pareho silang produkto ng Cen­ter for Culinary Arts, Manila ang young chefs na mapapanood sa 15-minute show.

Maganda ang treatment ni director Mark Reyes sa Kitchen Stories dahil parang teen show ito dahil gwapo at magaganda ang hosts.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: