^

PSN Showbiz

Fans wala nang aasahan kina Elmo at Julie Ann!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ni-renew kahapon ni Kris Aquino ang kanyang exclusive contract sa ABS-CBN. Present sa contract-signing affair ang mga big boss ng ABS-CBN na sina Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, at Cory Vidanes.

SCENE: Nag-renew din ng kontrata si Vice Ganda sa ABS-CBN noong Lunes at kasama rin sa contract-signing ang big bosses ng Kapamilya Network.

SEEN: Ang maling headline ng isang news website: Bianca King, Kapatid Network Na Rin.

Pumirma lang ng kontrata si Bianca sa TV5 bilang lead actress ng Obsession, ang weekly drama series ng Kapatid Network.

SCENE: Matagal nang buwag ang love team nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. Hindi na dapat umasa ang kanilang fans na muling mabubuo ang love team nina Elmo at Julie Anne.

SEEN: Si Anne Curtis ang oldest Dyesebel dahil 29 years old na siya kapag nagsimula ang airing sa telebisyon ng kanyang programa.

Mga bente anyos hanggang mid-20s lang ang edad nina Vilma Santos (20 years old), Alma Moreno (21 years old), Alice Dixson (21 years old), Charlene Gonzales (22 years old), at Marian Rivera (24 years old) nang gumanap sila bilang Dyesebel sa pelikula at telebisyon.

SCENE: Pinaghahandaan ni Wally Bayola ang pagbabalik niya sa showbiz sa February.

Four months nang hindi aktibo sa showbiz si Wally dahil sa kanyang sex video na kumalat sa Internet noong September 2013.

SEEN: Ang Star Cinema ang distributor sa mga sinehan ng Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak, ang pelikula ni Robin Padilla na may playdate sa Jan. 29. Kuratong Baleleng ang dating working title ng pelikula.

SCENE: Ngayon ang huling araw ng online auditions para sa Pinoy Big Brother.  Sa mga gusto pang mag-submit ng application, puntahan lamang ang www.pinoybigbrother.com.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ALMA MORENO

BIANCA KING

CHARLENE GONZALES

CHARO SANTOS-CONCIO

CORY VIDANES

DYESEBEL

ELMO MAGALONA

GABBY LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with