^

PSN Showbiz

Wala na raw makakapigil na Kapamilya: Kris 90% sure na sa GMA!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Breaking news : Ninety percent sure na si Kris Aquino sa GMA 7. Yup, as  in malapit na malapit na raw maging Kapuso ang presidential sister, ayon sa kausap ko sa phone na source kahapon.

Wala na raw makakapigil na Kapamilya sa gagawin ni Kris. Sinabi raw ng Queen of All Media sa ilang malalapit sa kanya na “no amount of pressure from anybody” ang makakapigil sa kanyang decision.

“Kasi the professional and financial side, hindi matanggihan,” sabi pa ng source ko over the phone.

Nakipag-usap na raw si Kris sa majority owner ng GMA 7 na si Mr. Felipe Gozon at si Mr. Manny Pangi­linan daw ang susunod nitong kakausapin.

Ang connect : Ang share lang pala ni Mr. Gozon ang ibebenta kay Mr. Pangilinan kaya raw parehong kinakausap ni Kris. Ang dalawa pang owners ng network ay hindi magbebenta ng share.

Nagko-consult na rin daw si Kris kay Mr. Tony Tuviera na isa sa mga producer ng My Little Bossings na alam naman nating sa GMA connected.

“Malapit nang matupad ni Kris ang pangarap niyang makasama si Vic (Sotto),” dagdag pa ng source.

Last October pa walang contract si Kris sa ABS-CBN kaya hindi shocking na lilipat na siya ng network.

Kim napiling Dyesebel

Si Kim Chiu pala ang final choice para maging Dyesebel ng ABS-CBN. Kasalukuyan na raw nagti-training si Kim at any moment ay magti-taping sila.

Matagal-tagal din naging pahulaan kung sino nga ang magiging Dyesebel.

Wish ng buong bayan sa 2014: Sarah maranasan na magka-dyowa ng totohanan

Bongga ang magba-babung taon para sa career ni Sarah Geronimo.

Iisa lang ang pelikulang nagawa niya – ang It Takes a Man and a Woman  with John Lloyd Cruz ­­­— pero super bongga naman ang kita at kinabiliban ang level up niyang acting. Ayon nga sa isang source, malamang na itong role niya sa installment ng character niyang si Laila Magtalas ang magbibigay sa kanya ng award.

Siya rin lang ang local singer na nagpuno ng Smart Araneta Coliseum and Mall of Asia Arena para sa concert niyang Perfect 10, her 10th anniversary celebration.

Kaya naman nagpapasalamat si Sarah sa lahat ng suporta ng fans na talaga namang binabantayan ang lahat ng kanyang ginagawa.

Tambak din ang naging endorsements niya at mga concert abroad. Kasama siya sa most trusted endorsers ng bansa at bongga rin ang dalawang albums niya.

At ang the height, ang dami niyang nominations sa kung saan-saang international music awards at maging sa local music awards na majo­rity naman ang napanalunan niya.

Pero kung successful siya sa career, malungkot pa rin ngayong 2013 ang kapalaran niya sa love life.

Si Matteo Guidicelli pa rin ang na-link sa kanya hanggang ngayon pero wala namang confirmation mula sa kanila kung ano ba ang real status. As in parehong tikom ang bibig nila.

Ang say dati ni Sarah, kung anumang meron sa kanila ngayon ay sa kanila na lang muna dahil baka maudlot na naman. Same with Matteo, wala naman daw.

Kaya ang wish ng buong bayan sa pagpasok ng 2014, sana naman ay totohanin na siya ni Matteo at nang maranasan naman niyang magka-BF ng totoo.

vuukle comment

DYESEBEL

IT TAKES

JOHN LLOYD CRUZ

KAYA

KRIS

KRIS AQUINO

LAILA MAGTALAS

LAST OCTOBER

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with