^

PSN Showbiz

KC naiyak nang manalo si Maricel?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Kris tuwang-tuwa sa pagpapa-block screening ni James ng Bossings...

PIK: Pursigido si Sen. Bong Revilla, Jr. na ituloy ang paggawa ng pelikula sa 2014. Gusto sana niyang gawin ang remake ng Nardong Putik pero nagkakaproblema pa raw sa pamilyang naiwan ng kilalang police character kaya hindi pa masabi ni Sen. Bong kung ano ang gagawin niya.

Bukod sa trabaho niya sa Senado, gusto na rin ni Sen. Bong mag-focus sa showbiz gaya ng Kap’s Amazing Stories na tuloy pa rin Stan Lee Superhuman’s episode.

PAK: Marami ang nakapansin na mabilis na umalis si KC Concepcion pagkatapos ng awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Meralco Theater sa Pasig City nung isang gabi.

Mukhang umaasa si KC na masungkit ang best actress award na hindi inaasahang napunta kay Maricel Soriano na supporting role lang naman sa pelikula ni Vice Ganda.

May nagkuwento pa sa aming parang naiyak si KC dahil siya naman talaga ang matunog na mananalo.

Hindi na bago ang ganung desisyon ng mga hurado sa MMFF kaya hindi nakakapagtaka ang napili nilang winners.

BOOM: Pagdating sa isyu kay James Yap, maingat pa rin at kung puwede lang ay ayaw na itong sagutin ni Kris Aquino.

Sa awards night ay nahingan ng reaksiyon si Kris tungkol sa suporta ni James sa pelikula nilang My Little Bossings.

Nagpo-post si James na panoorin ang naturang pelikula at ang latest daw ay nag-sponsor si James ng block screening ng pelikula.

Sagot ni Kris: “Praise God, dagdag kita and buti naman supportive na siya of Bimby.

“It matters and he’ll be proud of how well his son perform. Siguro naman ’pag nakita niya matutuwa siya na maganda ang kinalalabasan ng anak niya kasi kahit sinong magulang naman lalo na ’pag nakikita mo ’yung anak mo na performing well, bumait, hindi nagpapa-brat, mabait sa lahat, so, parang matutuwa ka. Thank you, James. God bless you. Peace. Hahaha!”

Nakatakdang magbakasyon sina Kris at ang mga anak nito sa London, England para doon magbakasyon at ng Bagong Taon.

vuukle comment

AMAZING STORIES

BAGONG TAON

BONG REVILLA

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MARICEL SORIANO

MERALCO THEATER

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with