PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bida Kapamilya Audition Caravan nagbigay ng pag-asa sa mga taga-Visayas

MANILA, Philippines - Sa tingin mo ba ay karapat-dapat kang maging housemate ni Kuya?

Kung oo, patunayan ito sa isang one-minute video kung saan kailangan mong ipaliwanag kung bakit ikaw na ang hinahanap na housemate ng Pinoy Big Brother para sa susunod na regular at teen editions nito.

Bukas ang online auditions ng PBB hanggang Enero 15, 2014. Para sa kumpletong detalye ng me­­chanics sa paggawa ng video at kung paano ito i-submit kalakip ang audition form, bisitahin lang ang www.pinoybigbrother.com.

Libu-libo na ang sumabak sa nationwide auditions ng sikat na reality show sa Davao at kama­ka­ilan sa Cebu, kung saan naging bahagi ito ng Bida Kapamilya Audition Caravan kasama ang The Voice of the Philippines Kids at Maalaala Mo Kaya.

Masasabing nagbigay ng pag-asa ang nasabing event lalo’t ilan sa mga nag-audition sa PBB at The Voice ay pawang mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte.

Nagpakita naman ng suporta ang former PBB housemates na sina Beauty Gonzalez, Paul Jake Castillo, at Season 4 Big Winner na si Sla­ter Young, na pawang galing Visayas, pati na si De­nies­se Aguilar sa mga auditionee. Nagsilbi ring online correspondent sa nasabing event sina Deniesse at Beauty.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: