^

PSN Showbiz

Bimby 19 years pa ang hihintayin bago makuha ang mga datung na inipon ni Kris

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Taong 1992 nang unang magkatrabaho sina Vic Sotto at Kris Aquino sa pelikulang My Funny Valentine at magmula noon ay napanatili na nila ang paghanga at respeto sa isa’t isa. Unknown to many, kamuntik pang maging sila. Naunahan lang si Vic ng ama ni Joshua na si Phillip Salvador. Pero naudlot man ang kanilang love affair, nanatili silang magkaibigan up to this day. Kaya nang mabuo ang My Little Bossings, hindi lamang pumayag si Kris na mapasama sa pelikula kundi maging ang kanyang bunso na si Bimby Aquino Yap, Jr. at labas pa rito ang kanyang pagiging co-producer ng pelikula.

Sa presscon ng My Little Bossings, inamin ni Kris na si Vic ang dahilan kung bakit siya pumayag na papag-artistahin ang kaisa-isang anak nila ng kanyang cager ex-husband na si James Yap na si Bimby.

Since first movie ni Bimby ang My Little Bossings, Kris made sure na meron itong sariling coach at stylist dahil kung ito man daw ang magiging first and last movie ng kanyang bunsong anak, gusto niya na maganda ito at forever na ipagmamalaki ng kanyang anak.

Hindi nao-offend si Kris kung tagurian man siyang stage mom or overprotective mom dahil ginagawa lamang daw niya ang nararapat para sa kanyang anak. Gaano man ka-busy ang schedule ni Kris, she made it a point na naroon siya sa shooting ni Bimby and there were only a few times na wala siya dahil sa conflict ng kanyang schedule.

Si Vic na mismo ang nagsabi na may ibubuga si Bimby sa pag-arte considering na first acting job pa lamang niya ang My Little Bossings at nag-enjoy ang bagets sa shooting na animo’y naglalaro lang sila ni Ryzza Mae Dizon.

Samantala, lahat ng mga kinikita ni Bimby ay naka-deposit sa kanyang sariling trust fund na puwede niyang makuha kapag 25 years old na siya. Six years old pa lamang ngayon si Bimby kaya 19 years to go pa ang ipaghihintay ng bagets bago niya magalaw ang perang inipon para sa kanya ng kanyang mommy.

Samantala, mag-best friend ang turingan nina Kris at Vice Ganda na nagsama sa pelikulang Sisterakas last year along with AiAi delas Alas na nag-top sa box office. Sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF), hindi magkasama sina Kris at Vice sa pelikula kundi magkakabanggaan ang kanilang magkahiwalay na pelikula – si Kris sa My Little Bossings at si Vice naman sa Girl Boy Bakla Tomboy ng Viva Films. Kung ang drawing power sa box office ang pag-uusapan, hindi na kailangang kuwestiyunin ang hila nina Vic Sotto, Kris, at Vice Ganda. Pero kung may No. 1, tiyak na may number 2 or 3 pababa kaya ngayon pa lamang ay may kanya-kanyang bet na kung aling pelikula ang mangunguna sa takilya simula sa Dec. 25 sa pagsisimula ng Metro Manila Film Festival.

Mag-promote kaya si Vice Ganda sa KrisTV at sina Kris at Bimby sa Gandang Gabi, Vice to promote their res­pective movies? Siguradong matutuwa rin si Vice kung maggi-guest sa show niya na magkasama sina Kris at Vic.

Kim hindi pa nakaka-recover sa pagkawala ng ina

Patuloy sa pagluluksa si Kim Chiu at ng kanyang pamilya sa pagkawala ng kanilang ina nung nakaraang Hunyo. Dahil dito, hindi naglagay ng Christmas decors si Kim sa kanilang bahay.

Speaking of Kim, mukhang paborito ni Kris Aquino ang young star dahil madalas niya itong kasama sa kanyang morning show na Kris TV. Si Kris din ang nambuko sa tunay na relasyon ni Kris sa boyfriend nitong si Xian Lim na madalas niyang i-describe bilang kaibigan lamang. 

Wala pang bagong TV series sina Kim at Xian after Ina, Kapatid, Anak although may bago silang movie under Star Ci­nema.

Kung masaya si Kim sa piling ni Xian, masaya rin ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa piling ng dating best friend ni Kim na si Maja Salvador.

 

vuukle comment

BIMBY

BIMBY AQUINO YAP

GANDANG GABI

KANYANG

KRIS

KUNG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY LITTLE BOSSINGS

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with