^

PSN Showbiz

Gretchen, magtitinda ng T-shirts sa London

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kababalik pa lamang ni Gretchen Barretto sa bansa mula sa London. Matatandaang inihatid ng aktres ang anak na si Domique na nga­yon ay nag-aaral doon.

Samantala, nakatakdang gumawa ng pelikula ang aktres kasama si Richard Gomez. Hu­ling nagkasama sa proyekto ang dalawa noong 1992 sa pelikulang Lumayo Ka Man Sa Akin. “Magsu-shooting kami sa December. Ako, I start second week of December, ewan ko si Goma (Richard) kung kelan siya magsisimula. Masayang-masaya ako. It’s so nice na after eight weeks na wala ako dito sa Pilipinas, matagal akong nawala pero pagbalik ko, eto ang blessing na binigay sa akin ng ABS-CBN kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng suporta,” nakangiting pahayag ni Gretchen.

Matagal na raw dapat nakasama ng aktres si Richard sa isang soap opera pero hindi ito natuloy. “Maraming nangyari and I had to leave for London and meron siyang ibang teleserye na gagawin ngayon, o pelikula na lang ang nangyari,” paliwanag ni Gretchen.

Muling babalik ang aktres sa London para sa isang proyekto kasama ang ilan pang Kapamilya stars. “I’m here dahil madaming mga meetings sa ABS-CBN. May commercial at birthday din ni Tony Boy (Cojuangco). So I’m here for a few days and then babalik ako ng London dahil December 1 merong show doon. Piolo Pascual will be there, Enchong Dee, Shaina Magdayao, Ser Chief (Richard Yap) are going to be there. So I want to tell the people na magbebenta ako ng mga Tulong, Tabang T-shirts doon kasama ni Dominique (anak ni Gretchen). Ako ang tindera ng T-shirt, abangan n’yo po. Siyempre the proceeds will go to the victims of Yolanda. ‘Yun ang aming participation dun para makita ko rin ang mga Filipino doon sa London,” pagbabahagi ng aktres.  

Kim walang christmas décor sa bahay,nagluluksa pa rin

Naikwento ni Kim Chiu sa programang Kris TV na wala raw Christmas décor ang kanilang bahay ngayong taon dahil nagluluksa pa rin ang buong pamilya sa pagkamatay ng ina noong Hunyo.

Ang buong pamilya ni Kim daw ang nag-desis­yon na huwag munang maging magarbo ngayong Kapaskuhan. “Choice naman namin ‘yon. Sabi ng lola ko, if we want, siyempre respeto sa mama ko. May Pasko pa naman. Wala nga lang ‘yung symbols of Christmas sa bahay namin,” pagtatapat ni Kim.

Samantala, kahit walang dekorasyon ang bahay ng aktres ay hindi naman daw maaalis ang pagbibigayan ng regalo lalo na’t mayroon na siyang pamangkin. “Hindi naman pwedeng iwala kay Rain ang spirit of Christmas. Siyempre may gifts siya. Pero walang tree, walang decoration, sad,” dagdag pa ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

vuukle comment

AKO

ENCHONG DEE

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

KIM CHIU

LUMAYO KA MAN SA AKIN

MAY PASKO

SO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with