PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi na kailangang magbenta ng mga gamit Sharon magbibigay ng P10M

MANILA, Philippines - Kung ang ibang artista ay kinailangan pang magbenta ng mga gamit para makalikom ng perang itutulong sa mga hinagupit ng bagsik ng bagyong Yolanda, si Megastar Sharon Cuneta ay nangako na ng P10 million na donasyon. Kahapon ay nag-tweet siya sa @sharon_cuneta12 : “@AboitizFDN please expect a check of PHP 5 million from me tomorrow. The other PHP 5 million plus, please expect tomorrow as well, @alagangkapatid. This is how much I believe in you both. God bless VISAYAS. #BangonVisayas

“Mahal na mahal ko kayo, Visayas. God knows how much. May God bless you and keep you safe from hereon,” tweet ni Megastar na isa sa mga artistang talagang aktibo rin sa pagtulong sa pamamagitan ng kanyang Twitter account. 

Dating endorser ng Aboitiz si Sharon.

At least nagsi-share si Sharon ng kanyang yaman sa mga totoong nangangailangan.

Samantala, pati ang mga Hollywood stars ay awang-awa na sa kalagayan at nag-iisip kung paano makakatulong sa mga hinagupit ng bagyo.

Kasama rito ang sikat na aktor na si George Clooney.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“It’s a terrible disaster.

“We did the Golden Globes a week before we did the Haiti telethon and we were able to sort of rally some troops around and we’ll see what goes on from here and see what we’re able to do. It’s just happened a day ago so we’re fi­guring it out,” sam                                         bit nito sa interview ng AP sa red carpet ng Britannia Awards sa Los Angeles. 

Bukod kay George Clooney, kasama sa mga nagpahatid ng dasal sina Rihanna, Sarah Jessica Parker, Josh Groban, Floyd Mayweather Jr. at maging si Selena Gomez na ini-encourage na mag-donate ang kanyang 17 million followers sa twitter sa UNICEF.

Pag napanood mo nga naman kasi ang cove­rage ng mga international channel talagang kalunus-lunos ang iniwang perwisyo ng bagyo.

Hanggang ngayon ayon sa mga balita, nakakalat pa rin ang mga bangkay sa Tacloban at iba pang lugar na talagang hinagupit ng bagyong bumisita ng bansa last weekend.

Samantala, ang daming bansa na ang nagbigay ng milyun-milyon donasyon. Sana naman ay lahat ay makarating nga sa mga nangangaila­ngan at walang maglakas ng loob na magnakaw.

Alice idinenay ang relasyon sa TV exec, hanggang date-date lang daw siya

Date-date lang ang drama ngayon ni Alice Dixson after ma-annul ang kasal niya sa husband na naka-base sa Canada.

Aniya, marami siyang dini-date pero wala pa siyang boyfriend talaga.

Eh bakit may isyung siya ang apple of the eye ng dating executive ng isang network?

“Anong masasabi mo doon sa gusto ka ng lalaki, pero ayaw mo naman,” sagot niya na hindi namin binabanggit kung sino ‘yun ha, pero parang na-gets niya.

So hindi raw totoo.

At sa tinagal-tagal niya sa showbiz, kahit isa pala ay wala siyang naging boyfriend na showbiz.

Meron daw muntik-muntikanan nang sagutin niya, pero naudlot. Hindi na aktibo sa showbiz ang naturang aktor na sinasabi niya.

Aminado naman siyang malakas ang dating niya at intimidating kaya naiilang ang mga lalaking ligawan siya.

Kasama naman sa dalawang aktor na nabalitang niligawan siya noon ay sina Rustom Padilla na isa na ngayong ganap na ‘babae’ at ang aktor na si Eric Quizon.

Natatawa na lang nga siya pag naalala niyang may mga halikan sila noon ni Rustom na si BB Gandanghari na ngayon.

Habang si Eric naman ay nanatiling single hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, muntik nang hindi tanggapin ni Alice ang pelikulang When the Love is Gone na palabas na sa November 27 with Gabby Concepcion, Cristine Reyes, Andi Eigenmann, and Jake Cuenca under Viva Films. Asawa ni Gabby ang role niya rito.

Hectic daw ang schedule niya nang matanggap niya ang offer pero tinawagan siya ni Boss Vic del Rosario at sinabing ito ang pelikulang hinihintay niya. “He said, ‘Alice, this is the movie that you asked for.’ I told him kasi before na gawa na tayo ng magandang pelikula like we used to do. And he said, ‘This is it. This is the one. Huwag mo na palampasin,” pag-aalala ng aktres sa pag-uusap nila ng bossing ng Viva Group of Companies. Kaya ginawan niya ng paraan ang schedule niya para magawa ang movie.

At nagpapasalamat siya dahil nang mapanood niya ang movie, namangha siya dahil parang foreign ang quality. Dinirek ito ni Andoy Ranay.

 

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: