^

PSN Showbiz

Kim Atienza wala na sa hitsura ang na-confine sa ICU

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ngayong Nov. 1 ang 32nd birthday ni Coco Martin at ang 39th birthday ni Sharmaine Arnaiz.

SCENE: Pumayag si Gary Estrada na mahiga sa loob ng kabaong para maging makatotohanan ang eksena.

Pinatay na ang karakter ni Gary sa Akin Pa Rin ang Bukas ng GMA 7.

SEEN: Inalis ang posas ni RJ Bautista para makakain siya sa salu-salo sa loob ng memorial park na pinaglibingan sa labi ng kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

Suspect si RJ sa pagpatay kay Ramgen at pinayagan siya ng korte na lumabas ng kulungan upang madalaw niya ang puntod noong Lunes.

Nakunan si RJ na kumakain at hindi nakaposas. Makikita sa litrato ang tatlong escorts ni RJ na nakapila habang kumukuha ng pagkain.

Ganyan kaluwag ang mga escort sa mga suspect na binabantayan nila.

SCENE: Ang kapatid ni RJ Bautista ang nag-upload sa social media ng litrato na maglalagay sa hot water sa mga escort ng suspect sa pagpatay kay Ramgen Revilla.

SEEN: Si Kim Atienza, ang kanyang asawa at mga anak ang magkakasama sa grand vacation nila sa Palawan.

Walang-wala sa hitsura ni Kim na na-confine siya sa ICU dahil sa Guillain Barre Syndrome.

SCENE: Ayaw ni Tom Rodriguez na pinag-uusapan ang kanyang love life dahil gusto niya na manatiling pribado ang personal na buhay.

SEEN: Binura ni Carla Abellana sa kanyang Instagram account ang rude comment niya sa mga nagtatanong tungkol sa US concert tour ng cast ng My Husband’s Lover.

Na-turn off sa rudeness ni Carla ang kanyang followers.

vuukle comment

AKIN PA RIN

BAUTISTA

CARLA ABELLANA

COCO MARTIN

GARY ESTRADA

GUILLAIN BARRE SYNDROME

MY HUSBAND

NGAYONG NOV

RAMGEN REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with