PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahit na-trauma, Sarah babalik sa The Voice 2

Aminado si Sarah Geronimo na nahirapan siya bilang isa sa mga coaches ng The Voice of the Philippines season 1 na nagtapos kamakailan.

Marami raw kasi ang kumuwestiyon sa kakayahan ng Pop Princess sa nasabing programa. “Biggest challenge recently ‘yung sa The Voice kasi may mga bashers na nagsasabi na, ‘Hindi siya credible, wala namang sense ‘yung sinasabi niya.’ Tapos maarte daw ako masyado lalo sa blind auditions. Kasi hindi ako gano’n ka-frequent umikot sa mga auditionees,” kuwento ni Sarah.

Naging matatag ang dalaga at ginawa lamang daw ni Sarah ang kanyang trabaho. “Tinanggap ko ‘to eh, kailangang pangatawanan ko ‘yung trabaho at ‘yung task na binigay sa akin. Dapat mabigyan ko talaga siya ng hard work, dedication, at sincerity. Talagang tinapos ko, sabi ko this is not about me, hindi naman ako ‘yun eh. So what kung i-bash nila ako, ‘yung artists ko ‘yun eh, ‘yung team ko. So talagang nag-concentrate na lang ako sa kanila at ‘yun natapos ko naman,” paliwanag ni Sarah.

Kahit nahirapan ang Pop Princess ay kinumpirma naman ni Sarah na muli siyang magko-coach sa season 2 ng The Voice of the Philippines. “Nag-yes na po kami for the second season. Noong una ayaw ko, kasi traumang-trauma na ako. Pero sabi ko si Ms. Lea (Salonga) nag-yes na rin. Masarap sa pakiramdam na nagiging bahagi ka ng pagtupad ng pangarap ng ibang tao, ng aspiring singers, and in a way nakakatulong ka na din kung ano man ‘yung naibigay mo, naishe-share mo sa mga tao. So sabi ko yes,” pagbabahagi ng dalaga.

Jessy pupuntahan sa Dubai ang matagal na ‘di nakitang ama

Hindi nakasama ni Jessy Mendiola ang kanyang ama sa paglaki kaya ayon sa aktres ay hinahanap-hanap niya raw ito. Sa nalalapit na kapaskuhan ay gustong bisitahin ng dalaga ang amang nakabase sa Dubai. “Six years old ako noong huli ko siyang nakita. 14 years na kaming hindi nagkikita. But the last time I talked to him through phone was last year, Christmas. I think lahat naman naghahanap ng father figure,” bungad ni Jessy. “Pinaplano ko na dalawin siya kasama ‘yung mga kapatid ko. Last contact ko sa kanya was noong Christmas at nalulungkot din ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya doon. Kung sino ‘yung kasama niya, kung okay ba siya, kung kumakain ba siya nang maayos. I’m turning 21 this December. We rarely communicate now, but he still makes an effort to talk to us,” kuwento ng aktres.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: