^

PSN Showbiz

Kapalaran ni megan sa Miss World malalaman na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong gabi na magkakaalaman kung iuuwi ni Megan Young ang Miss World 2013 crown.

Malakas na malakas ang laban ni Megan pero balitang may ilang sumasabotahe para hindi siya manalo dahil kahapon ay may kumalat na balitang disqualified siya dahil sa topless photo na lumabas sa isang men’s magazine.

Lumabas sa isang online publication sa New York ang diumano’y topless photo ni Megan.

Ang sinasabing topless photo ay lumabas sa March 2012 issue ng Rogue Magazine na kuha ni Mark Nicdao.

Mapapanood ang coronation night ng Miss World 2013 sa GMA Network na gaganapin sa Bali Nusa Dua Convention Center in Bali, Indonesia.

After ng mahigit isang buwan na screenings and preliminary events kung saan lumutang si Megan at kasama pa sa Top 10 ng Beach Fashion Challenge and Top Model Event, rarampa si Megan kasama ang 130 na ibang mga kandidata mula sa buong mundo.

Bukod sa beauty and poise, isa rin sa mga pinag-usapang kandidata ang actress na huling napanood sa seryeng Misibis Bay ng TV5. Nabalita rin na she excelled sa Beauty with a Purpose portion ng pageant. Also gi­ving pride to the Philippines is her inclusion in the list of candidates who will perform in the pageant night’s Dances of the World production number.

May participation din sa event ang Miss World 2012 First Princess Gwendoline Ruais na isa sa mga magiging presenters.

Gagawa ba ng kasaysayan si Megan?

Panoorin natin ang keep our fingers crossed sa magaganap na grand coronation night of Miss World 2013 this Saturday na mapapanood 10:30 p.m. after Celebrity Bluff on GMA.

Maria Mercedes ni Jessy tagos sa puso

Umpisa na sa October 7, Lunes, ang Maria Mercedes na isa sa mga pinasikat na character ni Thalia sa bansa noon.

Gagampanan ng isa sa sinasabing pinakamagandang mukha sa TV ngayon ng ABS-CBN na si Jessy Mendiola ang napakabigat na papel bilang si Maria Mercedes na unang binigyang buhay ng Mexican superstar na si Thalia. Makakatambal niya rito sina Jake Cuenca bilang si Luis at si Jason Abalos naman bilang si Clavio.

“Tiyak muling mapapangiti, mapapaiyak, at mapapaibig ni Mercedes ang mga manonood sa kanyang makulay na kuwento,” pahayag ni Jessy. “Mas tatagos pa ito lalo sa puso ng mga Pinoy dahil binigyang diin talaga namin sa istorya ang mga pagpapahalaga nating mga Pilipino lalo na sa pamilya.”

Sundan ang kuwento ni Mercedes at kung paano niya haharapin ang hamon ng buhay at unang pag-ibig.

Mula sa kanilang simpleng pamumuhay sa probinsiya, luluwas si Mercedes kasama ang kanyang ama’t mga kapatid patungong Maynila para makalimot sa sakit na idinulot ng kanilang ina. Maagang papanaw ang kanyang ama kaya naman maaga ring iaatang sa balikat ni Mercedes ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga kapatid.

Sa paglipas ng panahon, patatatagin si Mercedes ng kahirapan at mag-isa niyang itataguyod ang mga kapatid na sina Rosario (Devon Seron) at Andres (Yogo Singh). Kasama ang kanyang kababatang si Clavio (Jason Abalos), papasukin ni Mercedes ang lahat ng uri ng trabaho, basta marangal ito, matustusan lang ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ngunit ang kanyang mundo ay magbabago sa pagtibok ng kanyang puso sa mayamang si Luis San Cuevas (Jake Cuenca).  Anong mga hamon ang haharapin ni Mercedes sa kanyang unang pag-ibig? Sino ang mga hahadlang sa kanilang pag-iibigan? Paano mayayanig ang kanyang mundo sa pagdating ni Santiago (Ariel Rivera), ang lalaking maaring tuluyang mag-ahon sa kanya sa kahirapan?

Kasama rin sa cast sina Vina Morales, Dominic Ochoa, Nikki Gil, Vivian Velez, Nadia Montenegro, Atoy Co, Erika Padilla, Marx Topacio, Alex Castro, at Isabelle De Leon. Ito ay sa direksyon ni Chito S. Roño.

 Sino ang tatanghaling kauna-unahang The Voice of the Philippines? 

Makikilala na ang kauna-unahang The Voice of the Philippines sa inaabangang bakbakan ng final four artists ngayong Sabado (Sept 28) at Linggo (Sept 29) sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.

Nakakasa na ang entablado para sa mainit na sagupaan nina Janice Javier ng Team Apl, Klarisse de Guzman ng Team Sarah, Myk Perez ng Team Bamboo, at Mitoy ng Team Lea.

Kaninong team kaya manggagaling ang tatanghaling grand winner?

P2 million, isang bagong sasakyan, Asian tour package for two, at isang four-year recording contract with MCA Universal ang mapapanalunan ng kauna-unahang winner ng The Voice of the Philippines.

Huwag ding palampasin sa Linggo (Sept 29) ang ikalawang bahagi ng two-part finale kung saan may hatid ding pasabog na performance si Shane Filan na miyembro ng dating boyband na Westlife.

 

vuukle comment

JAKE CUENCA

JASON ABALOS

KANYANG

MARIA MERCEDES

MEGAN

MERCEDES

MISS WORLD

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with