^

PSN Showbiz

Staff ng show ni Dingdong itsinismis si Marian?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ginawa palang isyu ang pagdalaw ni Marian Ri­vera sa boyfriend na si Dingdong Dantes sa ta­ping nito ng Genesis. Naantala raw ang taping dahil matagal nag-usap ang dalawa sa loob ng car ng aktor at ang hindi pa maganda, pinalabas na nagselos si Marian dahil naabutang nag-uusap sina Dingdong at Rhian Ramos. May ipinapakita lang naman daw pictures ang aktres sa kanyang BF.

Kaya lang, ang pictures na ipinoste ng mga taga-Genesis ay hindi kinakitaan na ayaw nila ang pagbisita ni Marian dahil nakangiti ang mga nagpa-picture sa aktres mula kay Direk Mark Reyes, Betong Sumaya, at iba pa.

Ito ang sinasabi namin na minsan ang tsismis sa mga artista ay nanggaga­ling mismo sa set at sa staff ng kanilang show. Gusto pa yatang agawan ng trabaho ng mga tsismosa sa set ang mga reporter. Kaya lang minsan nakakasira sa kanilang mga artista ang itsinitsika sa press lalo kung hindi totoo. Gaya nitong isyu kay Marian.

May importante sigurong pinag-usapan sina Dingdong at Marian kaya kinailangang lumayo sa iba at hindi naman inabot ng ilang oras ang pag-uusap ng dalawa.

Anyway, labas na ang Rogue magazine na cover sina Marian, Angel Locsin, Anne Curtis, Charlene Gonzales, at Judy Ann Santos. Parang kick-off ang magasin sa pagiging busy ni Marian sa mga susunod na buwan.  

Kasama sa magpapa-busy kay Marian ang promo ng movie nila ni AiAi delas Alas ang Kung Fu Divas na showing sa Oct. 2 at ang pagsisimula ng gagawing soap at sitcom. Gusto nitong pagsabayin ang dalawa dahil na-miss magtrabaho.

Renz na-late sa showbiz dahil sa pangako

 â€œThird wheel” nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Prinsesa ng Buhay Ko ang tawag ni Renz Fernandez sa role niya sa first show niya sa GMA Network. First rich role rin niya ang Luis Grande role na gagampanan at kuwento nito, kahit ilang araw pa lang sila nagti-taping, at home na agad siya sa mga kasama at sa network.

  Late na ang pasok ni Renz sa showbiz at dahil daw ito sa nakapangako siya sa dad niya na magtatapos muna ng pag-aaral bago siya mag-artista. Pero nanghihinayang ito dahil hindi nakita ni Rudy Fernandez nang mag-graduate siya at hindi rin napanood ang mga nagawang show.

Direk Joey paborito si Kim

Personal choice pala ni Direk Joey Reyes si Kim Rodriguez na gumanap na young Rustica Carpio sa pelikula niyang Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap. Nagagalingan ang director sa aktres at isa siya sa favorite Kapuso actress ng director mula nang ma-i-workshop.

After the workshop, kinuha ng direktor si Kim to portray the young Iza Calzado sa Mga Mumun­ting Lihim at ito ngang Ano ang Kulay… na entry sa Sineng Pambansa

Sa Sept. 11-17 na pala ang Sineng Pambansa at mapapanood ang mga pelikulang kasama rito exclusive sa SM Cinemas. Ang husay ni Rustica sa nasabing pelikula, kakaawaan at iiyakan ng audience ang nangyari sa karakter niyang si Teresa.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

ANO

BETONG SUMAYA

BUHAY KO

MARIAN

SINENG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with